^

Para Malibang

Pusa Nalambat sa Dagat

HAYUP SA GALING - Pang-masa

Isang lalaki sa Florida, USA ang nakalambat ng ibang hayop sa dagat habang siya ay nangingisda.

Gabi nang makita niya ang ilang kabataan na may inihagis sa dagat. Inakala niya na basura ito pero bigla itong guma­law at lumangoy.

Ayon kay Jordan Smith, malayo pa lang ay nakita na niya ang hayop na tila humihingi ng tulong sa kanya.

Doon na niya ito nilapitan at ginamitan ng lambat ­at nalamang isang pusa pala na hinang-hina ang napagtripan ng mga kabataan na itapon sa dagat.

Agad dinala ni Jordan sa doktor ang pusa at pinangalanan niya itong Miracle. Doon din niya napag-alaman na buntis pala si Miracle pero dahil sa nangyari ay nakunan.

Inampon na ni Jordan ang pusa na ngayon ay masayang kalaro ang kanyang mga aso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with