^

Bansa

Drug surrenderee patay sa shootout

HOUSE OF DEATH - Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Isasailalim sa autopsy ang bangkay ng 34-an­yos na drug surrenderee na napatay matapos umanong manlaban sa mga pulis sa isinagawang buy-bust operation sa Purok Ilang-ilang, Barangay New Pangasinan sa Koronadal City, South Cotabato, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang napatay na si Zaldy Bermudes Delos Reyes, may asawa at residente ng nasabing barangay.

Ayon kay Po/Supt. Barney Con­des, hepe ng Koronadal City PNP, nasa drug watchlist ng pulisya si Zaldy at pinaniniwalaang nagtutulak ng droga.

Gayunman, ipinaliwanag ni Con­des na hindi nila alam ang ope­rasyon na isinagawa ng Police Regional Anti-illegal Drugs Special Operations Task Group at Regional Public Safety Company dahil wala umanong koordinasyon sa kanilang operasyon.

Dagdag pa ni Condes, huli na nang malaman nito ang nasabing­ ope­rasyon dahil rumesponde la­mang­ sila sa nasabing lugar matapos ma­katanggap ng ulat na may shooting­ incident umanong nangyari sa na­banggit na lugar.

Pagdating nila sa lugar ay patay na si Delos Reyes.

Napag-alaman na ang napatay ay sumuko sa Koronadal City PNP noong Hulyo 2016.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with