^

Para Malibang

Aswang Territory (116)

Gilda Olividado - Pang-masa

NANG lumapag sa lupa sina Avia  dala ang pamilya ni Armani, sinalubong kaagad sila ng mga aswang na mga putol ang katawan.

Natakot pa rin ang mga magulang ni Armani.

“Nakupo, Armani ... lahat ba ‘yan mababait din kaya?”

“Opo naman, Itay. Matagal na ako sa kanila pero ni kurot ho hindi ko naranasan.”

“Pero, Armani ... ang dami nila. Baka may iilan diyan na salbahe.”

Si Avia na ang nakangiting nagpaliwanag. “Hindi po. Sa aming lahi, wala po talagang naliligaw. Alam nilang mababait kayo kaya hindi nila kayo sasaktan at kakainin. Lalo na ho, mahal na rin nila si Armani bilang nobyo ko. Isa na rin ho si Armani sa lahi namin, ‘yon ang tingin nilang lahat. May gagawin ho sila bilang paggalang ho sa inyo at pagbati sa inyong pagdating.”

Hindi sumagot ang mga magulang ni Armani, nagmamasid lang.

Maya-maya, dumipa at yumuko ang mga mababait na aswang sa ere.

“Ano’ng ibig sabihin niyan?”

“Inay, welcome daw ho. At pinagpapala kayo ng kalikasan at pagpapalain pa. Iyon ang ibig sabihin ng pagdipa nila.” Sagot ni Avia na nakangiti.

“Aba, napakagandang pagbati naman. Para kaming mga importanteng tao ng asawa ko. Mabuti pa yata ang mga aswang kaysa ibang salbaheng tao doon sa Maynila, a.” Tuluyan nang nawala ang takot ng ina ni Avia.

ANG sumunod na eksena ay napakasaya at napaka-energetic na pagluluto ng lahat na masarap na pagkain ng tao.

May litson. May kaldereta. May nilaga. May relyenong bangus. Meron ding ginataan at adobo. Meron ding mga maaanghang na gulay.

Ang mga nagluluto lamang ay si Armani, Avia, mga magulang ni Armani at tumutulong si Father Albert.

Kahit hindi pa magaling ang sugat, kay-tibay naman ni Father Albert. Ito pa nga ang nagkudkod ng mga niyog.

“Father Albert, nakakahiya ho sa inyo. Huwag na ho kayong tumulong, pahinga na lang kayo.”

Napangisi lang si Father Albert. “At bakit hindi? Gusto mo bang langawin at ma-bored ako doon sa tabi, Armani? Ang sarap ngang magluto habang nagdadasal, e.”

Pagkatapos ng ilang oras, nakalatag na sa napakahabang mesa ang niluto nina Armani. Pero nakatingin lang doon ang mga aswang na mababait. Hindi natatakam.  Itutuloy 

        

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with