^

Pang Movies

Herbert laging hagip sa emote ni Kris

Vir Gonzales - Pang-masa

Matapos makipag-balikan sa long time partner

MANILA, Philippines — Wala namang pelikula o teleserye na nakatakdang gawin si Mayor Herbert Bautista, pero bakit palagi siyang kakambal sa mga publisidad ni Kris Aquino? At bakit palagi na lang nababalitang sila pa ring dalawa?

Gayun nabunyag nang bumalik na sa kanyang pamilya si Mayor Bistek, dahil mahal na mahal nito ang kanyang mga anak kaya marami pa ring tagahanga ang Quezon City mayor na dumaraing na naguguluhan sila sa balita.

Sa totoo lang, napamahal na ang wife niyang si Tates Gana sa mga humihingi ng tulong sa kanyang mister tuwing may pangangailangan, naririyan ang tulong na hinihingi kay mayor para sa mga maysakit nilang kaanak at iba pang problemang pinansyal.

Ruru pinag-aagawan ng mga manager na walang delicadeza

Nakaka-turn off naman kung totoo ang nabalitang nag-uunahan ang ilang manager na makuha si Ruru Madrid bilang bago nilang alaga, komo wala na si late director Maryo J. Delos Reyes.

May potential kasi si Ruru, isang pruweba nga na itinapat na siya ng GMA kay Coco Martin sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano. Tiwala silang kakayanin ng Sherlock Jr. ang Probinsyano sa rating.

May nagkokomento na sana for delicadeza ay huwag munang pag-usapan kung sino ang makakakuha kay Ruru, dahil kakalibing pa ng kanyang tatay-tatayan. Totoo yatang mahirap ang pera ngayon dahil kahit kamamatay lang ni Maryo ay nagpaparamdam na sila, wow, petmalu naman.

Kyline naipakita ang galing nang lumipat

Kung hindi pa lumipat si Kyline Alcantara sa GMA 7, hindi pa siya makikilala ng mga tagahanga.

Bumongga ang papel ni Kyline sa Kambal, Karibal habang inaaway-away niya si Bianca Umali. Marami ang hindi nag-akala na magaling palang magkontrabida ang babaeng ito. Sabi nila, mapapansing lumalaban siya ng aktingan kay Carmina Villaroel na lumulutang sa naturang serye.

Ayaw din paawat si Marvin Agustin sa acting, ganun din si Congressman Alfred Vargas, na mukhang kadete sa Baguio ang hair.

Totoo ang kasabihan sa showbiz, where the grass is greener ay doon ka dapat tumutok, hindi lalapit ang suwerte kung hihintayin lang ang pagdating nito. At hindi ito hinihintay kundi hinahanap tulad ng kay  Kyline.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with