^

Pang Movies

Alden pinatawad ang mga bashing sa panggagaga!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Alden pinatawad ang mga bashing sa panggagaga!
Alden Richards

Umalis na kahapon ng tanghali si Pambansang Bae Alden Richards para sa kanyang Alden Richards Live in Sydney show at kasama ang daddy niya at ilang taga-GMA Artist Center.  Bago umalis si Alden, grabe na naman ang bashings sa kanya ng kung anu-anong issue na wala namang katuturan, sabi nga mga “mema” (may masabi lang) sila.

Sinagot iyon ni Alden bago ang flight niya sa kanyang Twitter message na “Forgive everyone for everything.  Good Morning!”

Hindi na nga lamang pinatulan ni Alden ang mga bashers tulad nang ginagawa niya dahil ayaw niyang masira ang kanyang araw. Marami namang nag-wish sa kanya to enjoy the few days stay niya sa Sydney after the concert on January 20.

Ryza hindi alam kung ano ang mangyayari sa kanila ni JC!

Nakakaloka, lalong sumasama ang character ni Ryza Cenon as Georgia sa top-rating afternoon prime drama series na Ika-6 Na Utos ng GMA 7. Dumating na sa punto na wala na siyang sinisino, kahit ang kapatid na si Geneva (Angelika dela Cruz) na siya na lamang tumutulong sa kanya ay nagawa na niyang saktan, dahil sa galit niya kay Emma (Sunshine Dizon) at ang obsession niyang tuluyang mabawi si Rome (Gabby Concepcion).  Hindi ba siya nagrereklamo sa production sa kanyang character?  

“Dumarating din po sa akin na baka tuluyan nang magalit sa akin ang viewers, kaya masaya na rin ako kung minsan, may eksenang medyo kalmado si Georgia, lalo na noong time na sila pa lamang dalawa ni Rome at hindi pa nalalaman ni Emma ang totoo,” kwento ni Ryza.

Nagpapasalamat ang aktres sa Viva Films at sa The Idea First Company dahil binigyan siya ng pelikulang malayung-malayo sa kontrabida role niya, ang Mr. & Mrs. Cruz.

Sa January 24 na ang showing ng movie pero hindi pa rin ipinaalam ng production kung bakit ganoon ang title ng movie. Kahit kasi sa full trailer, wala pa silang binanggit kung sino ba si Ryza at si JC, basta nagkita lamang sila habang nagbabakasyon sa El Nido, Palawan.  Dito, muli nga raw mapapatunayan ang husay ni Direk Sigrid Bernardo, pagkatapos ng kanyang blockbuster movie na Kita Kita.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS L

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with