Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Alfred seryoso na sa pagpapapayat!

Desidido si Quezon City Congressman Alfred Vargas sa pagbabawas ng timbang dahil super diet siya.

Piling-pili ang mga kinakain at kontrolado ang pagkain ni Alfred dahil sa kagustuhan niya na ma-achieve ang kanyang ideal weight.

Sinimulan ni Alfred ang pagpapapayat sa pamamagitan ng detox programs ng The Farm, ang wellness spa sa Lipa City, Batangas.

Ilang araw na namalagi si Alfred at ang kanyang misis na si Yasmine sa The Farm.

Inspired na inspired si Alfred sa pagpapapayat dahil sa mga natutunan niya sa detox programs ng wellness spa na very relaxing ang ambience.

Nakapunta na ako sa The Farm noon at talagang world-class ang wellness spa na dinarayo ng mga turista at sikat na personalities mula sa iba’t ibang bansa.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Parang wala ako sa Pilipinas sa overnight stay namin noon sa The Farm na favorite rin na puntahan nina Eugene Domingo at Iza Calzado.

Daniel hindi napanindigan ang pagsisikreto sa GF na Polish!

Hindi rin nakatiis si Daniel Matsunaga dahil nagkuwento ito sa mga reporter tungkol kay Karolina Pisarek, ang Polish model na ipinalit niya kay Erich Gonzales.

Ang akala pa naman ng fans, seryoso si Daniel sa desisyon na huwag i-reveal ang name ng girl dahil gusto niya na maging private ang lovelife niya.

Sobrang in love yata si Daniel kay Karolina kaya nagsalita rin siya sa presscon ng Spirit of the Glass 2: The Haunted tungkol sa kanyang US-based model girlfriend.

Runner up si Karolina sa reality television series na Poland’s Next Top Model at 17-years old siya nang sumali sa contest noong 2015. May mga nakapansin na may resemblance o malaki ang pagkakahawig ng mukha ni Karolina sa nanay ni Daniel.

Nalungkot ang mga kababaihan na nagpapantasya kay Daniel nang malaman nila na taken na ang kanilang pinag-iilusyonan na Brazilian-Japanese model.

At dahil possessive ang ilan sa female fans ni Daniel, hoping sila na hindi magtatagal ang long distance love affair ng aktor sa model na nakilala niya nang magbakasyon sa bansa nung August.

Sen. Manny balik-tv once a month

Stories for the Soul ang title ng coming soon te­levision show ni Senator Manny Pacquiao sa GMA 7. Ipinakikita na sa Kapuso Network ang teaser ng Stories for the Soul pero hindi pa inire-reveal na may kinalaman sa programa si Papa Manny.

Once a month na mapapanood ang Stories for the Soul at si Papa Manny ang host ng programa.

Bagay na bagay kay Papa Manny ang show niya dahil changed man na siya. Malaki ang ipinagbago ni Papa Manny mula nang mawili siya sa pagbabasa ng Holy Bible at muli niyang makilala ang Panginoon.

Matagal-tagal na rin buhat nang magkaroon si Papa Manny ng regular show sa Kapuso Network. Ang MP Featuring Sport Science ang huling television show ni Papa Manny sa GMA 7 noong 2015 dahil naging busy na siya sa kanyang mga responsibilidad bilang senador.

Sen. Trillanes taob kay Pacman

May nakita ako na survey tungkol kina Papa Manny at Senator Antonio Trillanes IV.

Ang tanong sa survey, sino sa dalawang senador ang may silbi sa senado? Siyempre, si Papa Manny ang nanguna at nanalo sa survey dahil siya ang pinapaboran ng mga respondent kesa kay Senator Trillanes na number one critic ng administrasyon ni President Rodrigo Duterte.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: