^

Pang Movies

Dapat palitan pati pangalan female celebrity hindi na makilala sa bagong gawang mukha!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Natatawang ikinuwento ng isang make-up artist na hindi niya nakilala ang isang female celebrity na ilang taon niyang inayusan noon dahil ibang-iba na raw ang mukha nito.

Nangyari raw ang eksena sa isang mall habang namimili ng mga bagong make-up ang naturang make-up artist.

Nilapitan daw siya ng isang babae at nginitian pa siya. Dedma naman daw siya sa babae dahil hindi raw niya ito kilala.

“Actually, kinalabit niya ako. Sabi pa niya, ‘Uy! Kumusta na? Tagal na nating hindi nagkita!’ ‘Yung parang excited siyang makita ako.

“Eh hindi ko siya mamukhaan. Hindi ko siya sinagot kasi baka napagkamalan lang niya ako.

“Nagsalita ulit siya ng ‘Ay bakit naman dedma ka? Hindi mo na ba ako nakikilala?’ Sabay banggit ng name niya sa make-up artist.

“Ako naman, tinitigan ko siya. Kasi kilala ko lahat ng inaayusan ko. ‘Yung binanggit niyang name, noong nagsisimula pa lang iyon, ako na ang nag-make-up sa kanya. Kaya hindi puwedeng siya ang babaeng iyon,” diin pa niya.

Kaya sinagot na lang siya ng make-up artist na pasensya na dahil hindi raw niya ito kilala.

Para lang mapatunayan ni female celebrity na siya ‘yung same girl na inaayusan nito, nilabas nito ang kanyang driver’s license at ang huling photo nilang dalawa sa kanyang cell phone.

Nagulat ang make-up artist dahil siya nga ang babaeng iyon, pero ibang-iba na ang mukha nito.

“Kasi ang layo na talaga ng mukha niya sa dati. Siyempre, kabisado ko ang mukha ng babaeng ‘yan. Ngayon talagang nabago lahat.

“Hindi tuloy ako maka-react ng tama kasi ako ang nahiya dahil kahit sino naman na nakatrabaho niya noon, hindi na siya makikilala.

“Muntik ko pa ngang itanong kung bakit nagparetoke siya ng sobra-sobra, pero napigilan ko ang sarili ko. Kinumusta ko na lang siya at nag-sorry ako dahil hindi ko siya namukhaan agad.

“Siya rin naman ang sumagot na okey lang at hindi lang daw ako ang nakakakilala na sa kanya.”

Nagtataka lang ang make-up artist kung sino ang nag-udyok sa female celebrity na magparetoke ng mukha, eh maganda naman na raw ito noon pa. Sana raw pati pangalan niya pinalitan na para mag-match sa bago nitong mukha.

Tatay ni Tom kritikal ang lagay

Sa likod ng mga ngiti at tawa ng Kapuso actor na si Tom Rodriguez ay may lungkot ito ngayon dahil sa kritikal na kondisyon ng kanyang amang lumalaban sa sakit na lung cancer.

Noong malaman nga raw ni Tom ang naging sakit ng kanyang ama, ginagawa raw nito ang lahat para madugtungan pa ang buhay nito.

Kaya nagpapasalamat siya sa kanyang pinagbibidahang teleserye ngayon na Someone To Watch Over Me dahil dumating ito sa tamang pagkakataon.

Dumaan na raw sa isang maselang operasyon ang kanyang ama at nasa recovery stage na raw ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with