^

Pang Movies

Sarah pinag-agawan ng mga finalist sa PhilPop 2016

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Masaya ang presscon ng PhilPop (Philippine Popular Music Festival) 2016 nang i-announce na nila ang napiling 12 finalists out of more than 2000 entries all over the Philippines. 

Napansin lamang ng mga entertainment press na dumalo na most of the songs ay fast at danceable ang tunes. 

Inamin naman ni PhilPop Executive Director Ryan Cayab­yab na 80 percent ng mga songs submitted are all upbeat, ilan lamang ang ballads.

Kaya nagkaalaman na kung sino ang gusto nilang mag-interpret ng kanilang mga song.  Si Aikee Aplacador ng Pabili Po, gusto niya si Davey Langit pero iyong rap part, gusto niya siya ang mag-perform dahil rapper siya; si Johann Garcia ng Binibini sa MRT, si Chito Miranda ng Parokya ni Edgar; JC Jose for Stars Are Aligned since acapella ito, gusto niya ang Acapella Go; Jazz Nicolas at Wally Acolola ng Di Na Muli gusto nila si Kat Agarrado; Jeroel Maranan ng Sintunado, gusto niya either Sam Concepcion o si Darryl Espanto; Keiko Necessario ng Nobody But You, gusto niya si Sarah Geronimo, na biniro siya ng co-finalist na si Mike Villegas na inunahan siya kay Sarah.

Gusto naman ni Ramiru Mataro for Kahon isang may mataas na boses like Steven Tyler dahil RnB rock ang kanyang kanta; si Joan Da for Baliw sa Ex-boyfriend Ko ang only choice raw niya ay si Yeng Constantino; ang kambal na sina Paolo at Miguel Guico ng Tinatangi gusto nila si Ebe Dancel o si Johnoy Danao; si Karl Guarano ng Friday Night gusto niya si Billy Crawford; sina Brian Cua at Mike Villegas ng Dumadagundong ay ang Itchyworms sana, pero gusto rin nila si Sarah Geronimo.

Ayon kay Ms. Baby Gil ng Viva Entertainment na sila ring magpu-produce muli ng music videos at compilation ng songs ng 12 finalists, pag-uusapan pa raw kung sino ang pwedeng mag-interpret ng mga kanta.  Iyon kasing gusto nilang mag-interpret ay may recording contract sa ibang recording companies. In-announce na rin ng mga hosts na sina Lara Maigue at Davey Langit na ang grand finals ay gaganapin sa July 23 sa Kia Theatre in Araneta Center, Quezon City.

DongYan isinama si Letizia sa interview with Igan

Si Kapuso Primetime King Ding­dong Dantes ang guest ni Arnold Clavio sa anniversary special ng kanyang Tonight With Arnold Clavio mamaya, sa GMA News TV, 10:15 p.m.  Teaser ng show na iyon ang first interview niya with Baby Zia on television.  Of course, ang wife ni Dingdong na si Ma­rian Ri­vera ang sumasagot sa mga tanong ni Arnold.  Ilan sa mga tanong ni Arnold, paano si Dingdong bilang tatay ni Baby Z?  Palagay daw niya ay magiging “daddy’s girl” ang anak nila, say ni Marian. 

Ano naman si Dingdong as a supporting husband? “Kapag lahat ng mga lalaki sa buong mundo ay tulad ng asawa ko, wala nang babaeng matatakot mag-asawa.”

Maine nagbanta sa mga detractor

Thankful si Maine Mendoza sa isang internet user dahil na-retrieve nito at back na ang kanyang Instagram (IG) account na @mainedcm.  Sakto raw at magandang gift sa kanyang 21st birthday sa Thursday, March 3. 

May babala naman siya sa mga gustong pasukin muli ang kanyang social media accounts, na “never will I give someone who is trying to bring me down the satisfaction of succeeding.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with