^

Pang Movies

Sharon may problema na rin sa puso!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi nga maikakaila, talagang affected ang Megastar na si Sharon Cuneta sa kalagayan ng kalusugan ng kanyang ina. Mahahalata ko sa kanya ang worries, kahit na hindi niya diretsang sinasabi iyon. Iyon lang kanyang pananawagan sa kanyang mga kaibigan for more prayers, at iyong kanyang reaksiyon sa mga nangyayari, pati ang sinasabi niyang takot niya sa tuwing tatawag ang nurse o ang doctor ng kanyang ina, iba talaga iyon.

Pinaalalahanan na nga raw siya ng kapatid niya na baka dahil sa sobrang pag-iisip ay siya naman ang maapektuhan. May kaunting heart problems na rin pala siya. Pero knowing Sharon, hindi mo masasabi sa kanya iyong huwag nang mag-worry eh.

Talaga namang close si Sharon sa ermat niya. Kahit na sabi­hing noong bata pa siya ay talaga namang daddy’s girl iyan, noong malaunan, ang ermat na niya ang kasama niya at laging karamay lalo na noong panahong medyo malabo rin ang nagiging takbo ng kanyang personal life. Siguro kung noong panahong iyon ay wala si Mommy Elaine, mas nahirapan si Mega emotionally sa mga dina­anan niyang problema. Pero si Mommy Elaine, who has been a very strong woman, talagang natulungan siya to get over sa kanyang mga emotional problems noon.

Ngayon talagang hindi nga maitago ni Mega ang kanyang pag-aalala dahil sa nangyayari sa ina, at kagaya rin naman ng lahat sa atin, mas gusto na­ting kasama natin nang mahabang panahon ang mga taong minamahal natin. Hindi tayo kagaya ng ibang mga lahi na basta nga may edad na ang mga magulang iniiwan na sa caregiver homes eh. Tayo mas gusto natin na kasama natin sila, at siyempre mas gusto natin na maganda ang health nila para hindi naman mahirap alagaan. At ‘yan ang nararamdaman ni Sharon.

Dennis hindi pa rin sumusuko kay Julia

Maliwanag naman ang sinasabi ni Dennis Padilla, ipaglalaban niya ang kanyang karapatan bilang ama ng kanyang anak na si Julia Barretto. Ito ay kaugnay pa rin ng petition ni Julia sa korte na dahil sa sitwasyon ng kanyang mga magulang, at dahil napawalang bisa na nga ang kasal ng mga iyon, mas gusto niyang palitan na lang ang kanyang pangalan at gawing Barretto ang kanyang apelyido, sunod sa kanyang ina at alisin na ang apelyidong Baldivia na siya niyang ginagamit simula noon sa mga legal na dokumento.

Hindi man niya sinasabing ganoon nga ang kanyang paniniwala, mukhang duda si Dennis na ang kanyang anak mismo ang gustong mag-alis ng kanyang apelyido. Iyong isa nga niyang anak, nakapagpalit ng pangalan legally na hindi niya nalalaman.

May katwiran naman si Dennis sa aming palagay.

Aktor gustong pumasok sa pulitika kahit walang kaalam-alam

Posible raw tumakbo naman bilang senador ang isang male star. Utang na loob naman, huwag na. Alam naman niya mismo na hindi siya capable para sa ganoong posisyon, ano ba ang nalalaman niya sa batas? Puwede siyang manalo dahil kilala siya, pero mag-isip naman sana. Huwag pairalin ang mga personal na ambisyon at gamitin ang linyang gustong maglingkod sa masa.

vuukle comment

DENNIS PADILLA

JULIA

KANYANG

MOMMY ELAINE

NAMAN

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with