^

Pang Movies

Vhong naiyak nang makalabas ng kulungan sina Cedric Lee

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Napaiyak si Vhong Navarro habang ini-interview sa TV tungkol sa pansamantalang paglaya nina Cedric Lee at Zimmer Raz noong isang araw.

Nakalaya na rin si Deniece Cornejo. Pinayagang magpiyansa ng Taguig RTC ang mga akusado sa kasong isinampa ni Vhong dahil diumano wala namang sapat na ebidensiya para sa kasong serious illegal detention na isang kasong dapat ay walang piyansa.

Inamin din naman ni Vhong na ngayong nakalaya na sina Lee at Raz, nanga­ngamba siya sa kanyang kaligtasan, dahil diumano binantaan na siya ng mga iyon noon pa mang una.

Siyempre, kagaya nga ng inaasahan, umalma rin ang mga fans ni Vhong sa na­ging desisyon ng korte, pero ano man ang sabihin ng kahit na sino, walang makababali sa desisyon ng korte, maliban sa isang mas mataas na hukuman. Maski na ang pahayag ni Secretary Leila de Lima na dismayado siya sa desisyong iyon ng korte ay hindi makapagbabago sa desisyon. Hindi rin naman tama kung iisipin ang sinasabi niyang kailangang palitan ang judge. Iyong ipinakikita ni De Lima ay hindi tama para sa isang opisyal na kagaya niya. Dapat wala na muna siyang comment. Hindi rin dapat nagsasalita nang ganyan ang isang opisyal ng executive department sa isang sangay ng judiciary, dahil magkapatas lang sila. Pero siyempre labag man sa decorum, kanya-kanyang opinion iyan eh. Pero naniniwala kami na dapat sa hukuman pinag-uusapan iyan at hindi sa media. Ang media ay limitado lamang sa pagbabalita sa isang kaso. Hindi dapat ginagawang venue para maisulong ang isang desisyon ng hukuman.

May katwiran si Vhong na matakot ngayong nakalaya na sina Lee at Raz. Pero ang magagawa na lamang niya in the meantime ay kumuha ng security. Hindi ba noong simula PSG pa ang mga kasama niya sa mga lakad niya? Nasalubong namin minsan ang grupo nila na galing sa DOJ noon at PSG ang naka-escort sa kanya. Siyempre nasa ABS-CBN siya. Siyempre kasangga siya ni Kris Aquino.

Ilagay lang natin sa ayos ang lahat. Tama ang desisyon ng abogado ni Vhong, umapela siya sa korte. Korte lang ang dapat na magbigay ng desisyon sa ganyang bagay. At tama bang basta papalitan ang isang hukom na hindi sumusunod sa kagustuhan ng isang mataas na opisyal? Huwag ninyo kaming patawanin, hindi kayo comedian.

Megastar magiging aligaga na raw uli sa trabaho

May bagong statement ang Megastar na si Sharon Cuneta. Sinasabi niya ngayon mas magiging mabilis ang kanyang pagbabalik, at sa pagbabalik niya ay sunud-sunod ang kanyang gagawing mga proyekto dahil alam niya na matagal na siyang hinihintay ng kanyang fans. Kasabay noon nagpasalamat siya sa kanyang fans na matiyagang naghintay at umasa na gagawin niyang muli ang mga proyektong kagaya noong kasagsagan ng kanyang career.

Kaya nga ang inaasahan namin, bago matapos ang taong ito, may mga proyekto nang sinisimulan si Mega.

Bagong proyekto ng aktres inayawan lang ng mas mahusay na aktres

Alam na alam namin na iyang proyektong ipinagmamalaki ng isang female star na gagawin niya ay isang proyektong tinanggihan ng isang mahusay na aktres. Iyong mahusay na aktres, siyempre puno ang schedule. Iyong halos jobless na, siyempre magagawa nang mabilisan kahit na anong proyekto.

vuukle comment

ISANG

IYONG

NIYA

PERO

SIYEMPRE

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with