^

Dr. Love

Hindi tinratong asawa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi ko po maubos maisip na sa mahabang labinlimang taon nang pagiging mag-asawa ay wala talagang pagmamahal sa akin ang mister ko.

Labinlimang taon na rin ang aming panganay at nag-iisang anak na si Lalaine. Hindi naman mapagkakaila na si Lance ang daddy dahil carbon copy niya ang aming anak.

Mula nang magpakasal kami hanggang nga­yon ay nananatili ang insecurity ko dahil hindi pa rin ako matanggap ng aking in-laws. Dahil para sa kanila ay sinira ko ang kinabukasan ni Lance.

Madalas nila akong pasaringan, na hindi ko ma­palampas kaya sinasagot ko sila. Dahil gaya ni Lance ay may hinahangad din akong kinabukasan na nagbago nang magbuntis ako. Isa pa, hindi ko inalok ang sarili ko dahil niligawan ako ng kanilang anak.

Lisensiyado na akong abogado nang magdalan-tao habang nagre-review naman si Lance. Dahil walang katiyakan kung pananagutan niya ako, binigyan ko siya ng ultimatum na kung hindi niya ako papakasalan ay titiyakin kong hindi siya makakakuha ng bar dahil magsasampa ako ng reklamo.

Ikinasal kami sa huwes pero para rin kaming­ hindi mag-asawa. Malayo ang loob namin sa isa’t isa at pinili niyang madestino sa Davao kaya kami lang­ dalawa ni Lalaine ang nakatira sa condo unit na binili ng aking ina para sa amin.

Inilihim ko ang tunay na sitwasyon ng relasyon namin ni Lance sa aking pamilya. Kasama na rito ang pagkakaroon niya ng kerida. Pero dahil wala silang anak ay nag-iisang heredera pa rin si Lalaine ng pamilya.

Sa palagay n’yo po ba puwede pang mabuo ang aming nakaraan para sa aming anak o tuluyan na lang kaming magkanya-kanya para sa katahimikan ng loob at isip naming dalawa?

Pagod na rin ako sa pagsisinungaling sa aking anak kung bakit wala ang kanyang daddy. Payuhan mo po ako.

Gumagalang,

Mercia

Dear Mercia,

Hindi ko pinapaboran ang paghihiwalay ng mag-asawa, dahil walang ibang lugi dito kundi ang bata. Pero sa isang banda, hindi pa rin naman makakabuti kung lalaki sa pagkukunwari ang inyong anak.

Kung hindi na talaga kayo magkaka-ayos na mag-asawa, bilang abogado alam kong alam mo ang legal na hakbang kung tuluyan mong ikokonsidera ang annulment.

Dr. Love 

 

vuukle comment

ASAWA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with