^

Metro

Nanay na ‘tulak’, anak na courier, 5 pa, timbog sa drug operations

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ng pulisya ang  7-katao kabilang ang isang ginang na umano’y big time na ‘tulak’ ng droga at anak nitong menor-de-edad na isa namang  drug courier sa isinagawang operasyon, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Kaugnay nito tinatayang a­abot naman sa  P.3 milyong ha­laga ng shabu ang nasamsam sa naturang operasyon.

Kinilala ni Police Senior  Insp. Maynard Pascual, ng Pasay City Police ang mga nadakip na suspect na sina Angelita Bongat, 35; anak nitong si alyas Ian, 17; Ruelito Gueñez; Enri­que Taylo, 50; Edgar Alarcon, 37; Rocky Fajardo, 30 at Anthony Almerante, 39.

Sa report ng pulisya, alas-10:30 ng gabi ng maganap ang insidente sa Brgy. 184, Maricaban ng naturang siyudad kung saan unang sinalakay ang bahay ni Guenez sa panulukan ng Everlasting at Sampaguita Sts., ng naturang siyudad.

Matapos maaresto ni Gue­nez at inginuso nito si Bongat na siyang kinukuhan niya ng droga kung kaya’t nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis sa bahay ni Bongat.

Sa mismong bahay pa ni Bongat naaktuhan ng mga aw­toridad ang iba pang suspect na gumagamit ang mga suspect kaya kaagad nilang dinakip ang mga ito kabilang­ ang ginang na sinasabing isa umanong ‘big time drug pu­sher­’ habang ang anak naman nitong menor-de-edad ay nagsisilbing courier.

Umaabot naman sa 150 gramo ng shabu, na ang kabu­uang halaga ay nasa P300,000 ang nakumpiska mula sa mga suspect, na ngayon ay nahaharap sa ka­song paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

MAYNARD PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with