^

Bansa

Sa mata binaril bayaw patay

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang bayaw ng isang barangay kagawad sa Caloocan City kamakalawa ng hapon matapos itong barilin ng huli sa hindi pa malinaw na dahilan.     

Nakakulong na ngayon sa Caloocan City Police ang suspek na si Emilio Salafranca, 50, kagawad ng Brgy. 175, nakatira sa #11 Mount Samat St., ng naturang siyudad.

Dead-on-the-spot naman ang biktimang si Joseph Espinosa, 55, mister ng ate ng suspek sanhi ng tama ng bala sa kanang mata buhat sa kalibre .45 pistol.

Ayon kay Police Senior Supt. Chito Bersaluna, hepe ng Caloocan City Police, naganap ang pamamaril dakong ala-1:00 ng hapon sa labas ng bahay ni Salafranca ng naturang lugar.

Dumating umano ang biktima sa bahay ng suspek at naghamon ito ng away at sinira pa umano nito ang gate.

Hinarap ni Salafranca ang biktima nang may bitbit na itong isang kalibre .45 na baril at agad nitong pinaputukan ang biktima dahilan ng agad nitong pagkamatay.

Samantalang si Salafranca ay kusang-loob na sumuko sa mga pulis at isinuko rin nito ang baril na ginamit niya sa pagpatay sa bayaw na si Espinosa.

Narekober naman ng mga pulis sa beywang ng nasawing si Espinosa ang isang kalibre .38 baril.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa nagsasalita ang suspek hinggil sa motibo nito.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with