^

Dr. Love

Possessive sa anak

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

 

Biyuda na po ako pero nananatiling maligaya sa piling ng aking tatlong mga anak. Pero nitong mga nakaraang buwan ay dumaranas ako ng pangamba dahil bumukod ng tirahan ang pa­nganay kong anak.

Nakatira siya sa condo malapit sa kanyang pinapasukang advertising agency. Bagaman linggo-linggo naman siyang umuuwi sa aming bahay sa Cavite.

Madalas po ay hindi ko mapigilang tawag-tawagan ang aking anak para kamustahin at makipagkwentuhan na rin. Pero humihingi siya ng paumanhin dahil mas gusto niyang matulog sa condo dahil malimit siyang puyat sa trabaho.

Kung minsan naman ay tinatawagan niya ako, dahil ginagawa ko raw siyang baby. Gayong kaya naman daw niyang alagaan ang kanyang sarili. May araw na sinisisi ko ang aking sarili kung bakit pumayag pa akong lumayo siya at  bumukod ng tirahan.

Mahal ko po ang mga anak ko, kaya marahil masyado akong possessive sa kanilang atensiyon. Ayaw ko po na ngayong malalaki na sila ay lumayo ang loob nila sa akin, lalo na sa usaping pag-ibig.

Pinapayuhan ko ang aking panganay na iwasang umiibig sa lalaking pamilyado na. Ang nais ko po ay maranasan nila ang tunay na kaligayahan sa pag-ibig. Gaya nang ibinigay sa akin ng aking yumaong asawa.

Mali po ba ang layunin kong ito, Dr. Love? Sadya bang nangangamba ang gaya kong ina na nagkakaedad na? Pagpayuhan po ninyo ako.

Salamat po at hihintay ko ang maganda ninyong payo.

Gumagalang,

Mrs. Tecson

Dear Mrs. Tecson,

Napakadakila ng hangarin mo para sa iyong mga anak at  kailan man ay hindi mali ang intensiyong mapabuti sila. Minsan ay pasyalan mo ang iyong panganay at kausapin nang heart-to-heart, natitiyak ko na mauunawaan ka niya dahil ang pagmamahal na itinanim ay aani rin ng pagmamahal.

Lagi mo rin ipagdasal ang mga anak mo para mapasakanila ang wastong gabay lalo na kaugnay sa pag-ibig.

Dr. Love 

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with