^

PSN Opinyon

Nakapangangamba

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

AKALA ko ay titigil na si Pres. Rodrigo Duterte sa kanyang mga banta na mag-deklara ng martial law, dahil na rin sa lumabas na pagsusuri kung saan 74 percent ng mamamayan ang nagsabing hindi ito ang sagot sa mga problema ng bansa. Narinig ko rin siyang nagpahayag na wala namang naitulong ang martial law noong panahon ni Marcos.

Pero kailan lang, sinabi ni Duterte na handa siyang isantabi ang kapangyarihan ng Korte Suprema para magdeklara ng martial law, at walang makapipigil sa kanya. Ito raw ay kung maging grabe na ang problema ng iligal na droga sa bansa. Lahat na lang ba ay puwede nang gawin, sa ngalan ng laban sa iligal na droga? Ito rin ba ang dahilan kung bakit may mga “tokhang for ransom” na pulis ngayon?

Sigurado mamaliitin na naman ito ng Palasyo, o kaya maririnig na naman ang mga nakasanayang dahilan o paliwanag kung bakit ganito ang pahayag ni Duterte. Pero ang kanyang pahayag na walang makakapigil sa kanya ay nakapangangamba. Tila handa na siya talagang magdeklara ng martial law. Para sabihing walang makakapigil sa kanya ay patunay na nakahanda ang lahat para tanggapin ang kanyang deklarasyon.

Ang Korte Suprema na lang talaga ang ligal na balakid sa kanyang hangad, na sinabi ay isasanta­bi na lang niya. Wala naman siyang magiging pro­blema sa Kongreso dahil halos lahat kumampi na sa kanya.

Pero akala ko ba kailan lang ay nagdeklara ang     Palasyo at PNP ng tagumpay sa kanilang digmaan kontra iligal na droga? Kaya sino na naman ang nagsasabi ng totoo? Kung sila ang tatanungin, tagumpay na, pero kapag si Duterte ang tatanungin, nagiging grabe pa? Ayon sa PNP at PDEA, nasa higit isang milyon ang lulong sa droga. Ayon kay Duterte, apat na milyon na. Ang gustong ilarawan ni Duterte ay nagiging grabe lang ang sitwasyon ng iligal na droga sa bansa.

Pero lumipas na ang anim na buwan na pangako niya para linisin ang bansa ng problemang ito. Ngayon, hindi na talaga kaya kaya martial law na lang ang solusyon? Hindi puwedeng maliitin ang mga ganitong pahayag ni Duterte. Alam na ng mamamayan ang mga pang-aabuso na puwedeng maganap sa ilalim ng martial law. Wala nang gustong maulit ang madilim na kabanata ng kasaysayan ng ating bansa.

vuukle comment

PRES. RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with