^

Dr. Love

Depressed ang asawa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Harinawang abutan ka ng aking abang liham na nasa mabuting kalagayan.

Kung puwede’y ikubli mo na lamang ako sa pangalang Mariela,  29 anyos, may asawa at nag-iisang anak. Dati, kapwa kami may trabaho ng asawa ko dahil sa kahirapan ng buhay. Mabuti na lang may mabait akong biyenan na nag-aalaga sa kanyang mga apo kapag kami’y nasa trabaho.

Pero hindi inaasahang natanggal sa trabaho ang mister ko dahil nag-retrench sa kanilang kumpanya. Dalawang buwan na siyang walang trabaho at patuloy na naghahanap. Dahil dito ay na-depress siya.

Hindi ko na alam ang gagawin ko? Sinasabi kong huwag mawalan ng pag-asa at isa pa, hindi naman kami kinukulang dahil maski papaano’y may savings kami. Tulungan mo ako, Dr. Love.

Mariela

Dear Mariela,

Pakisabi mo sa mister mo ito. Kung magmumukmok siya at mawawalan ng pag-asa, talagang walang mangyayari sa buhay ninyong mag-anak.

Mapalad nga kayo dahil at least, may trabaho ka pa. Pasasaan ba iyan at makakahanap siya ng trabaho. Pero papaano siya makakakita ng hanapbuhay kung mukha siyang lulugulugo at problemado.

Pakisabi sa asawa mo na ayus-ayusin ang sarili at huwag susuko. Ang sumusuko ay walang paroroonan.

Dr. Love

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with