^

Kutob

Abril 6, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Maaasahan ang Maykapal sa lahat nang pagkakataon. Ang proteksiyon, gabay at kaligtasan ko at ng aking buong pamilya ay ipinagkakatiwala ko sa Dakilang pag-ibig niya.

ARIES (Marso 21- Abril 19) –  Ang binabalak ay maaa­ring magbago dahil sa hindi magandang mangyayari. Kailangan baguhin ang planong pinansiyal ng pamilya para mapagkasya ang panga­ngailangan. May hindi pagkakaunawaan dahil sa pagpatol sa tsismis. Lucky numbers ay 6, 32, 34, 40 at honey yellow.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Harapin at hanapan ng solusyon ang problema dahil kung hahayaan, walang kalutasan ang mangyayari. Hindi sa lahat ng oras maaaring takasan ang problema. May lihim na matutuklasan na hindi sukat akalain. Iwasan maglakad sa madilim na lugar. Huwag padala sa sulsol dahil mapahamak ka. Lucky numbers ay 3, 17, 33, 35 at coral pink.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Bigyang halaga ang suliraning pantahanan at ayusin habang maaga para hindi lumala. Pagkakalooban ng malaking tulong sa pagbabagong paiiralin sa buhay. Ang payo ng mga magulang ay landas ng tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 2, 19, 27, 39 at neon green.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Kung may babalak na paglalakbay, ngayon ang tamang panahon. Maganda ang resulta ng gawain magsisilbing gabay ito upang makamit ang tagumpay. Lumalandas ang daloy ng kasaganahan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 15, 30, 39 at pink.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Ang makipagtulungan ay may gantimpala na magandang samahan. Ang maging praktikal ay mahalaga para mapagkasya ang panga­ngailangan. Ang makapagbitiw ng masakit na salita ay magiging dahilan ng hindi pagkakaunawaan na dapat iwasan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 25, 35 at flaming red.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Maganda ang samahan kung may pagmamalasakit sa kapwa. May matatanggap na impormasyon tungkol sa negosyo o trabaho. Kaunlaran ang hangad kaya sipag at tiyaga ang dapat. Ituloy at huwag mag-alinlangan sa dapat gawin. Lucky numbers at color for the day 12, 15, 23, 33 at aqua blue.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Kung ano o sino ang hinihintay, huwag asahan dahil malabong darating. Iwasan ang magalit. Madaling lapitan at maaasahan ang kaibigan ngayon. Kung may suliranin,  huwag dibdibin dahil sarili ang mapapahamak. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 27, 40 at electric blue.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Maga­gampanan nang buong tatag ang reponsibilidad na nakaatang sa balikat. Maisasa-ayos ang hinaharap na suliranin kung taglay ang hinahon at matinong pag-iisip. Sipag at tiyaga ang puhunan para matamo ang tagumpay. Lucky numbers at color for the day 11, 19, 26, 39 at magenta.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Huwag pagkaitan ang kaibigang lalapit at hihingi ng tulong o payo. Ang paggastos sa walang kabuluhan ay dapat iwasan. Bigyang pansin ang mga bagay na maaaring makapagbigay ng pagkakakitaan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 6, 16, 31 at violet.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Kung makikiramdam at tatalasan ang pakikinig, may matutuklasang lihim na tagahanga. Huwag magpautang ng pera lalo na sa mga taong hindi gaanong kilala dahil hindi ka mababayaran o matatagalan bago mabayaran. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 32, 34 at yellow.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) –  Kung may binabalak, kilos kaagad. Kahit tinatamad, masisiyahan at kaligayahan ang mararamdaman kung matatapos ang gawain. Mag-ingat dahil may mga kasamahan na susubukan ang iyong kakayahan at kaalaman. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 38, 42 at jade green.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Huwag mabahala kung makaramdaman ng pagkatamlay sa dakong hapon, dulot lamang ng pagod ‘yan. Ang magpahinga ng maaga ay hihingin ng katawan. Makakabuting iwasan ang argument dahil daragdag lamang sa suliranin sa kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 10, 22, 35, 40 at fuchsia.

 

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with