Pinas isasabak si Nuevo sa 23rd Summer Deaflympics
MANILA, Philippines - Mahigit 3,000 atleta mula sa anim na kontinente ang sasabak sa 23rd Summer Deaflympics na inoorganisa ng International Committee for Sports of the Deaf (ICSD) sa Mayis Stadium sa Samsun, Turkey.
Ang mga atleta mula sa 93 na bansa ay mag-tatagisan sa palakasan sa kabuuang 21 sports disciplines sa naturang Deaflympics na dating tinawag na World Games for the Deaf and International Games for the Deaf.
Isang atletang babae lamang--si Abrianne Nuevo ang pinadala ng Phil-Sports Federation of the Deaf at lalahok ito sa hard-of-hearing singles table tennis event sa Hulyo 25-27.
Ito na ang ikatlong pagkakataon na sumali ang Pilipinas sa Deaflympic simula sa 21st edisyon na ginawa sa Taipei noong 2009.
“We cannot send more athletes to this event due to insufficient fund from the government,” sabi ni PSFD president Lester Lagos.
Nangako si Lagos na palalawakin ang naturang sports for the deaf dito sa bansa kabilang na sa swimming, table tennis, track and field, badminton, bowling, taekwondo at Futsal sa tulong ng iba’t ibang national sports organizations para sa 1st World Deaf Youth Games sa Argentina.
Ang iba pang competition na sasalihan ng Team Philippines ay ang 1st ASEAN Deaf Games sa Bangkok at ang World Deaf Badminton and Bowling Championships sa Taipei.
“We need financial supports badly,” dagdag pa ni Lagos.
Ayon pa kay Lagos, maraming international, national sports associations ang nagpahayag ng suporta para umunlad at dumami ang Deaf Sports clubs at Deaf participants sa grassroot level sa susunod na taon.
Kabilang sa nagpahayag ng suporta ay sina Sam Ramsamy, isang long-standing IOC Member at Chairman of the Sport and Active Society Commission at Delegado sa Sports for Athletes with a Disability sa ginanap na 46th Congress sa Turkey.
Ang Phil-Sports Federation of the Deaf ay magbubukas ng Filipino Sports Sign language para sa mga hearing coaches at mga atleta para malunasan ang communication bariers.
- Latest