^

PSN Palaro

Ateneo booters biyaheng Finals

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dinagit ng  Ateneo  ang 2-1 panalo laban sa University of Santo Tomas  upang hablutin ang unang silya sa finals ng UAAP Season 79 men’s football kahapon sa Rizal Memorial Stadium.

Sumandal ang Blue Eagles kina sophomore striker Jarvey Gayoso at rookie goalkeeper AJ Arcilla para kunin ang panalo na nagdala sa Katipunan-based squad sa ikalawang sunod na finals appearance.

Mula sa matikas na pasa ni Enzo Ceniza, nagawang makalusot ni Gayoso kay Jopridale Molino para maisalpak ang unang goal ng Ateneo sa ika-22 minuto.

Muling sumipa si Gayoso ng ikalawang goal sa ika-44 minuto para sa kampanteng 2-0 lead sa halftime.

Nagawang makapuntos ng Growling Tigers mula kay Marvin Bricenio sa ika-54 minuto subalit iyon na lamang ang naka­yanan ng kanyang tropa matapos maisalba ni Arcilla ang ilang pagtatangka ng UST.

Makakalaban ng Ate­neo ang magwawagi sa pagitan ng University of the Philippines at FEU sa finals.

Sa women’s division, umusad sa finals ang UST nang itala nito ang 5-4 panalo laban sa Ateneo.

Titipanin ng UST sa finals ang De La Salle University sa Linggo.  - CCo

vuukle comment

JARVEY GAYOSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with