^

Entertainment

‘Ano Nga Ba Talaga?’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

Padilim na sa Hong Kong, bukas pa tindahan,

Subalit hindi pa ako naghahapunan,

Sinasagad ang shopping bago ano pa man

Dahil nga uuwi na sa kinabukasan!

 

Dalawang shopping bags aking dala-dala,

Nang aking maisip na humuling hirit pa!

Pumasok sa store, si Vic akin pang nakita,

‘Yung bagong biling green shirt ay suot na nga n’ya!

 

‘Yun isa kong anak na lalaki’y narun din,

Tinanong ko nga lang kung nasaan si Eileen,

‘Yun la’t naka-focus kasi ako sa shopping

At sa mga nakita tumindi excitement!

 

Pa-closing na nga ang pinasok na tindahan,

Ang customers sa loob ay dalawa na lang —

Ako’t isang Asyano na may katabaan,

Pareho pa aming nakukursunadahan!

 

Isang blue and green na sapatos na de-sintas!

Dilaw pa ang takong at kulay pula swelas!

Hawak ko isang paa’t aking minamalas,

Isa’y hawak nung singkit sintas kinakalas!

 

Kakaibang shoes ay kanya nang isinukat,

Ngek! Mukhang kursunada ko pa’y masisilat!

Ibinaba ko muna ang mga buhat-buhat

At kunwari ay iba aking hinahanap!

 

Nagpunta muna ako sa lugar ng damit,

Nagsukat ng ilang naroong nakasabit,

Nang mapansin kong wala na ang mamang singkit,

Kulay asul na sapatos agad dinagit!

 

Ang colorful shoes ay Made in U.K. nga pala,

Mga thirty-five thousand pesos ang halaga!

At nang credit card na ay aking kinukuha,

Wala na nga singkit … PATI BAGS KO WALA NA!

 

Ngak, ngek, ngik, ngok, nguk! Nanlamig ako’t nanlambot!

But nag-decide pa ring habulin nangurakot,

Pero saang direksyon kaya s’ya nagsuot?

At nang pagtakbo ko … NAGISING SA BANGUNGOT!

 

Opo mga darling, panaginip lang pala!

Ngunit waring totoo ang lahat talaga!

I am sure sa inyo ito ay nangyari na,

Sa tunay at panaginip nagaganap s’ya!

 

Meron din namang leksyon ditong mapapangos —

Sa mga gamit mo pag nag-shopping mag-focus!

‘Di lahat ng customers sa store gumagastos!

Iwas na rin sa makukulay na sapatos!

 

Iba talaga ang bungang-isip na ito,

Nananahimik ka na nga minsan pa’y tukso!

Ngunit napansin bang tila alarmang relo,

Madalas pagkatapos oras ng gising mo!

 

Marami talaga mahirap ispelingin,

Ngunit karamihan pagtanda’y kuha mo rin,

‘Di tulad panaginip hanggang iyong ending,

Wala pa ring sagot kung saan nanggagaling!

 

Dun lang makikita ‘di makita pag gising!

Dun lang din nangyayari palihim mong hiling!

Mga pagnanasa na iyong kinikimkim,

May mga natutupad at may nabibitin!

 

Kaya may paniwalang ang buhay na ito

Ay isa lamang panaginip … NA TOTOO!

Una’y magulo ngunit kung iisipin mo,

Balik ka rin sa tulog pagdating sa dulo!

 

Sa iyong pagtulog na walang gisingan na!

Hindi ka lang tiyak kung mananaginip pa!

‘Yun na nga’t babalik ka na naman kumbaga

Sa walang sagot at ANO NGA BA TALAGA?!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with