^

Dr. Love

Ang pangakong pamamanhikan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

May isang taon na ang nakakalipas mula nang mangako ang boyfriend ko na mamamanhikan na sa aking pamilya. Pero hanggang ngayon ay wala pang paramdam tungkol dun.

Pero kahit naiwanang nakabitin ang pamamanhikang ‘yun ay hindi ko naisip na magtanong sa kanya kung matutuloy pa ba o hindi na. Hindi ko rin naman alam kung gaya pa rin noong una ang magiging sagot sa kanya.

Dr. Love, sa kalagayan ng aming pamilya ngayon ay hindi ko magawang isipin pa ang pagpapakasal. Dahil hindi ko naman kayang iwanan sa alanganing sitwasyon ang mga mahal ko sa buhay.

Nawalan po ng trabaho ang tatay ko dahil na-stroke. At ang nakakatandang kapatid ko ay nagbabalak naman mag-resign sa kanyang trabaho, nanga­ngahulugan ito na nasa balikat ko ang pagtataguyod sa aming pamilya.

Hindi rin naman magawang makapagtinda-tinda ni nanay dahil ang buong panahon niya ay nakalaan sa pag-aalaga kay tatay. Salamat na lang at sarili namin ang bahay at lote, kaya pambayad na lang sa kuryente, ilaw, pagkain at pang-araw-araw na gamot ni tatay ang kailangan mapunan.

Pero hindi pa rin ito madali, dahil mukhang mag-isa kong papasanin ang lahat. Hindi ko naman gustong madamay pa ang boyfriend ko sa problemang ito ng aking pamilya.

Ang dalangin ko po ay huwag munang mapagtuunan ni Greg ang tungkol sa pamamanhikan. Kahit ilang taon pa ang lumipas, okey lang. Pero sakaling sa anumang oras ay magtanong siya, tama po ba na tanggihan ko na siya?

Susan

 

Dear Susan,

Ang pagtanggi o pagpayag sa pamamanhikan ay nakadepende sa iyong damdamin, Susan. Kung sa palagay mo ay hindi makakaunawa ang boyfriend mo sa kasalukuyang sitwasyon ng pamilya mo, nasa iyo ang lahat ng dahilan para tumanggi.

Pero kung maipapakita niya ang malasakit at pang-unawa sa kabila nang lahat, sa palagay ko ay hindi mo na magagawang tumanggi kung tototohanin na niya ang pamamanhikan. Gayunman bago ka magdesisyon, sana pakasuriin mo ang iyong kalooban nang matiyak mo na wala kang mapagsisisihan sa huli.

DR. LOVE

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with