^

Dr. Love

Tiyaking ‘di awa ang nararamdaman

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Matagal kong inambisyon noon na maka-date ang isang kaklase na type na type ko. Pero dahil laging kapos ang allowance ko ay hindi ako nagkaroon nang pagkakataon na maisakatuparan ito.

Pero ngayon na may trabaho na ako at may ma­laki-laki na ring kinikita ay masasabi kong wala nang dahilan para hindi ko mai-date si Mimi. Ang problema ay hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin.

Nakakatuwang isipin na tila tadhana ang gumawa nang paraan para magkita kaming muli. Isang araw nang ako ay papasok, sa hindi sinasadyang pangyayari ay may nakabangaan ako sa pagmamadali. Guess what, Dr. Love? Si Mimi ‘yun.

Pareho kaming hindi makapaniwala nang malamang magkalapit lang pala ang opisinang pinapasukan namin sa Makati.

Sinamantala ko na ang pagkakataon para yayain siyang kumain, nagpaunlak naman siya. Masaya akong malaman na wala siyang nobyo. Bago matapos ang araw na iyon ay nagkasundo  kami na sa susunod na day off ay magde-date uli kami.

Nag-aya siya sa kanyang condo para matagal-tagal naman daw ang kuwentuhan. Ganun nga po ang nangyari, nagdala ako ng wine at cake na ikinatuwa niya nang sobra.

Akala ko nung araw na iyon ay magagawa ko nang ipagtapat sa kanya ang damdamin ko. Pero hindi ko nagawa, matapos niyang i-open na minsan siyang nagka-boyfriend pero hiniwalayan siya nang malaman ang sakit niya sa puso at kawalan nang kakayahang magbuntis.

Iniyakan niya raw ‘yun nang sobra saka nagpas­yang magsarili para hindi na makadagdag sa problema ng kanyang mga magulang na pawang may sakit na alta-presyon at diabetes. Ang nakakatanda niyang kapatid ang nag-aalaga sa kanilang magulang.

Dr. Love, batid ko na higit sa awa ang nararamdaman ko kay Mimi. Pero ayaw ko siyang paasahin. Dahil pangarap kong magkaroon ng mga anak sa aking pagpapamilya. Payuhan po ninyo ako kung dapat ko pang ipagtapat sa kanya ang damdamin ko.

Maraming salamat at mabuhay po kayo.

Gumagalang,

Gerald

 

Dear Gerald,

Kung hindi ka nakakatiyak sa pakay nang hanga­ring mong pagtatapat mo ng iyong damdamin para kay Mimi, huwag na lang. Mas mainam na makumpirma mo sa sarili na hindi awa lang ang nakakapag-udyok sa’yo para mapalapit sa kanya.

Kapag nakasiguro ka na handa mo siyang tanggapin sa kabila nang kawalan niya nang kakayahang magkaanak at sakit sa puso. Wala akong nakikitang mali to pursue her. Tutal binata’t dalaga naman kayo at nasa hustong gulang na.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with