^

Dr. Love

Nagbago ang pangarap

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nasa huling taon na po ako ng kursong edukasyon nang makilala ko si Thelmo, isang schoolmate na gaya ko ay nag-aambisyong ma­ging edukador para sa mga kabataan.

Sabay kaming nangangarap na kahit walang salitang “I love you” ay malinaw sa amin ang pagmamahalan sa bawat isa. May plano na kaming pakasal ilang taon pagka-graduate at pagkaraan na makatulong na sa aming pamilya.

Pero parang hangin na nag-iba nang direksiyon ang lahat. Nang makatapos kami ay nanlamig na si Thelmo, sinabi niyang hindi niya maintindihan ang kanyang sarili. Nawala raw ang init nang pagnanais niyang magturo.

Noong bata raw siya ang maging doktor ang una niyang pangarap. Nabaling lamang umano sa pagtuturo ang pangarap niya dahil alam niyang hindi siya kayang pagdoktorin ng kanyang mga magulang.

Nangangahulugan ito na tsaka na lang ang balak naming pakasal. Ang sabi ni Thelmo kaya naman niyang pagsabayin ang pag-aaral ng doktor at pagpapamilya. Pero hindi naman kalakihan ang sweldo nang pagiging guro.

Praktikal na tao naman ako, Dr. Love. Kahit mahal ko si Thelmo pero kung hindi uubra ang kasal at ang katuparan ng pangarap niya, nakahanda akong tanggapin. Tututukan ko na lang muna ang pagtataguyod sa aking pamilya.

Ano po kaya ang tama, Dr. Love, hayaan ko muna siyang magpatuloy nang pag-aaral at mag-cool off na muna kami? Hindi ko na po kilala ang nobyo ko kapag kausap ko siya, dahil ibang iba na ang mga sinasabi niya. Payuhan mo po ako.

Gumagalang,

Celerina

Dear Celerina,

Gawin mo kung ano ang inaakala mong tamang solusyon sa iyong problema. Hindi naman na kayo mga bata at bagito sa larangan ng buhay.

Kung sa palagay mo ang pagko-cool off muna ninyong dalawa ang makakatulong para mapaghandaan ninyo ang hinaharap, gawin mo ito nang wala nang seremonyas.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with