PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Sa pangarap na lang

Dear Dr. Love,

Mabiyayang araw po sa inyo. Tawagin n’yo na lang ako sa pangalang Isko, 31-anyos, may asawa at anak na babae na dalawang taong gulang.

Ikinararangal kong sabihin na ako’y mula sa isang mahirap na pamilya lamang. May trabaho po ako pero hindi pirmihan. Tinatanong ko ang aking sarili at aking asawa kung bakit ako isinilang na mahirap at walang mapasukang matatag na trabaho.

Ngunit ang mga kamag-anak ng ama ko, may mga kaya sa buhay samantalang kami ay ni walang pera na pampaayos ng bahay. Magkaroon man kami ng pera ay pambili lang ng pagkain, pambayad sa tubig at kuryente. Ni wala kaming ipon para sakaling magkasakit kami o anumang emergency ay may madudukot.

Marami akong alam na trabaho. Marunong akong magmaneho, magkarpintero at sa electrical ay nakakaintindi rin ako. Nag-apply ako sa abroad pero nahinto dahil walang perang panlakad ng mga papeles.

Dr. Love, hanggang sa pangarap na lang ba ako aasenso?

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Lubos na gumagalang,

Isko
Dear Isko,

Dapat bang ikahiya ang pagiging anak-dalita? Hindi. Bagkus ito’y isang karangalan lalo pa’t sa kabila ng kahirapa’y nakakapamuhay ka ng marangal.

Marami kang talento na maaari mong gamitin sa pag-akyat sa tugatog ng iyong pangarap. Gamitin mo iyan at naniniwala akong magiging maganda ang iyong bukas.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: