PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Burara ang asawa

Dear Dr. Love,

Magandang araw po sa inyo.

Wala naman pong kinalaman sa problema sa puso ang ihihingi ko ng payo sa inyo. Dahil maayos naman ang limang taong pasasama naming mag-asawa maliban na lang sa pagiging burara ng misis ko.

Pinatigil ko na sa trabaho ang asawa ko nang magbuntis siya, dahil kaya ko namang matugunan ang lahat nang pangangailangan naming mag-asawa kasama ang aming dalawang tsikiting.

Pinaalis ni misis ang aming stay-in kasambahay, dahil siya na raw ang bahala sa bahay. Pero mula noon ay naging makalat, madumi ang bawat sulok ng aming bahay.

Minsan, muntik na akong madulas sa banyo dahil sa piraso ng sabon na nahulog sa tiles at hindi na­dampot para itapon sa basurahan. At ang aming kusina ay talaga namang nanggigitata dahil hindi nalilinis ang mga tumalsik na mantika.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Kapag pinansin ko ang mga ito, nagagalit si misis, kasunod ang pagdaing na hindi na niya makayanan ang mga gawaing bahay. Titigil lang siya kapag sinabi kong siya naman ang nagpaalis sa kasambahay.

Nadagdagan pa ang insidente nang pagkaburara ng asawa ko nang minsang hanapin ko ang kabiyak ng medyas ko, pero hindi niya alam kung saan nakalagay.

May pagkakataon na gusto kong yayain ang mga officemates ko na dati ko nang nakasanayan. Pero dahil magulo ang bahay ay nahihiya na ako na sa amin kami mag-inuman bago mag-week-end.

Kung tutuusin ay maliit na problema lang ito at kayang-kaya malutas kung matututong magsipag at maging maayos sa bahay ang asawa ko. Ano po ba ang dapat kong gawin para matuto siya? Gusto ko rin na kahit sa murang edad ay matuto ng kalinisan ang aming mga anak.

Gumagalang,

Frankie

Dear Frankie,

Tama ka na maliit lang na problema ang tungkol sa hindi pagiging malinis at maayos ng asawa mo sa bahay, kaya maraming posibleng solusyon para mahikayat mo siyang magbago.

Sa halip na makipag-inuman ka sa iyong mga kaopisina ay gawin mong quality time para sa inyong mag-anak ang paglilinis ng bahay. Maging regular na gawain ito hanggang sa makasanayan na ninyo at maging natural na sa iyong asawa.

Kung nagawa niyang i-give up ang trabaho niya para sa inyong pamilya, palagay ko ay magagawa niya rin matutunan at mabura sa sarili ang pagkaburara alang-alang sa inyong mas maayos at komportableng pamumuhay.

DR. LOVE

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: