PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

True love ba ito?

Dear Dr. Love,

Kumusta na po kayo, Dr. Love? Ang dahilan nang pagsulat ko ay para humingi ng payo tungkol sa lalaking crush na crush ko.

Tawagin mo na lang akong Honey Pie, 18 years old at nasa second year college taking up Computer Secretarial.

Love na love ko po siya. Nakatatak na siya sa aking puso. May ibang nanliligaw sa akin pero walang makakapalit sa kanya.

Ang sabi niya sa akin ay mahal din niya ako pero hindi ko alam kung totoo ito. Wala naman po siyang girlfriend. Minsan po ay niyayaya niya akong mag-date kaya lang ay hindi ako pumapayag.

Pinakikialaman niya rin ang aking pananamit at mga kilos. Kapag tinatanong ko siya kung bakit niya ako pinakikialaman, ang sabi niya ay mahal daw niya ako.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Tulungan mo po ako.

Honey Pie

Dear Honey Pie,

I think you are too young to know the true meaning of love. What you feel is probably physical attraction or infatuation.

Nasabi ko ito dahil inirereklamo mo ang sobra niyang pagbabawal sa mga ibig mong gawin. Mag-isip ka at baka hindi tunay na love ang nadarama mo. Baka ka magsisi pagda­ting ng araw. Hindi maganda ‘yung ngayon pa lang ay para ka nang nasasakal sa inuugali niya. Mara­ming mag-asawa ang nawasak ang tahanan dahil huli na nang malaman nilang hindi sila compatible.

Isang bagay pa, kung nag-aaral ka pa lang ay mag-focus ka muna sa studies mo. Later na ang pagiging seryoso sa pag-ibig.

Dr. Love

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: