^

Dr. Love

Problema ng solong anak

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nag-aaral pa lang ako noon sa kolehiyo, marami nang kaklase ko at kaibigan ang nagsabing naiinggit sila sa akin dahil nag-iisa lang akong anak at sunod ang aking layaw sa mga magulang.

Dahil nakaluluwag kami sa buhay, mistulang nagpapaligsahan pa ang aking mga magulang sa pagbibigay sa akin ng mga gusto kong bilhin at pangangailangan.

Lumaki akong mas malapit sa aking daddy at ito ay ipinagmamalaki niya sa lahat niyang kaibigan. Mas paborito ko raw siya at mahal na mahal ko siya.

Hindi ko po gusto ang ganitong mistulang pa­­lig­sahan ng aking ama at ina dahil kapwa ko sila mahal. Pero pinagbibigyan na lamang siya ng aking­ ina sa itinuturing niyang ego booster ng aking­ ama.

Pero nang ako po ay magka-asawa na at mag­karoon na ng sariling anak, sinikap kong maipa­ramdam naman sa aking ina na hindi ko siya nakakaligtaan.

Minsan, niyaya ko si Mommy ko na magkaroon kami ng bonding time na kami lang. Ipapas­yal ko siya sa Hongkong. Hindi kasama ang aking asawa­ at mga anak gayundin si daddy.

Napansin ko po, medyo sumama ang loob ng aking daddy pero hindi ko na po pinansin iyon. Pati pala mommy ko, nakapansin nang pagsama ng loob ng daddy ko dahil mistula na raw nabaling ang pagtingin ko sa aking mommy.

Lagi ko naman silang pinagbibigyan ni mommy­, tulad na lamang ng kahilingan nila na sa aming bahay na lamang kami tumira ng aking asawa at anak. 

Ano po ba ang dapat kong gawin para ipabatid sa aking ama na kapwa ko sila mahal ni mommy at ngayon na lang huli, nagagawa kong mapunan ang itinuturing kong pagkukulang sa aking ina.
Tulungan mo po ako, Dr. Love. Hindi ko po
gustong lumaki ang hinanakit ni daddy sa akin.

Maraming salamat po at more power.

Gumagalang,

Nerissa

Dear Nerissa,

Tama ka na hindi dapat maging kompetisyon sa kapwa mo magulang kung sino ang mas mahal mo. At sa pagpapaubaya ng iyong ina ay mas nakakaunawa siya sa ego booster ng iyong ama. Sa tingin ko nagseselos lang ang daddy mo. Bumawi ka sa kanya at kung posible mas dagdagan mo ang bonding time ninyo at lagi mong ipaalala sa kanya kung gaano mo siya kamahal.

Natitiyak kong unti-unti ay lalambot ang puso niya. Dahil ikaw ang nag-iisa niyang anak.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with