PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Hindi siya gentleman

Dear Dr. Love,

Hello po at isang mainit na pagbati sa inyo,  Dr. Love. Tatlong taon na po akong masugid na reader ng inyong kolum.

Tawagin mo na lang akong Bessy, 20 years-old. Mayroon akong boyfriend na nagtatrabaho sa bangko.

Mahal ko siya and I believe na mahal din niya ako. Kaya lang, may isang ugali siyang hindi ko gusto. Ungentlemanly siya.

Halimbawa, kapag kumakain kami sa labas at may nakita siyang kakilala, babatiin niya at kakausapin pero hindi naman ako ipakikilala.

Kapag sinasamahan niya akong mag-grocery, ni hindi siya nag-o-offer na magbitbit ng mga pinamili.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Kaya lang, talagang pogi siya kaya hindi ko makuhang tabangan sa kanya. Kasi hindi naman­ ako masyadong maganda.

Ano ang dapat kong gawin? Mababago pa kaya ang pangit niyang ugali?

Bessy

Dear Bessy,

Gaano mo na katagal na kasintahan ang boy­friend mo na mukhang magaspang ang ugali?

Maging pranka ka sa kanya. Sabihin mo ang kanyang kapintasan para maituwid niya. Kung mahal mo siya at gusto mong magbago, gawin mo iyan.

Open the communication line at ipamukha mo sa kanya ang kanyang kapintasan. Hindi sa layuning pintasan siya, kundi para baguhin niya ang kanyang sarili.

Baka naman over confident siya dahil “guwapo” siya? In any case, hindi dapat umabot sa kanyang ulo ang kagandahang lalaki. Try to persuade him to change.

Kung wa-epek, kalasan mo ang kumag na iyan. Kahit hindi ka kagandahan gaya nang sinabi mo, I’m sure there are other guys na karapat-dapat sa iyo.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: