^

Dr. Love

Tutol ang parents

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Unang chance ko pa lang makasulat sa inyo dahil gusto kong humingi ng advice. Sana mailathala ninyo ang sulat ko.

Please call me Analyza. Mayroon po akong boyfriend. Tawagin mo na lang siyang Cris. Mabait siya, sweet and loving. Dati po ay galit na galit ako sa kanya. Kapag dumidiga siya sa akin noon at sinasabihan akong I love you…ang sagot ko ay I hate you.

Matagal po bago ko siya sinagot. Ne-develop po ang feeling ko sa kanya. Kasi, nakita ko ang kanyang katapatan at dama ko na mahal niya ako. Madalas kaming maligaya pero paminsan- minsan ay  nag-aaway din.

Ang problema ko, tutol ang aking mga magulang kay Cris. Lagi niya po akong tinatanong kung kaya ko raw siyang ipaglaban ngunit ito ay hindi ko nasasagot.

Tulungan mo po ako kung ano ang dapat kong gawin para magustuhan nila si Cris at ang dapat kong sabihin sa kanya upang tigilan na niya ang paninigarilyo na hindi naiibigan ng aking mga parents.

Analyza

 

Dear Analyza,

Hindi mo nabanggit ang age mo. Pero kung menor-de-edad ka, maaaring saklawin ng iyong mga magulang ang iyong desisyon lalo na sa pag-ibig. Likas sa sinumang magulang na pa­ngalagaan ang kanilang mga anak.

Kung nasa tamang edad ka na, maaari ka nang makapagdesisyon nang malaya. Gayunman, sa kulturang Pilipino, madalas pa rin tayong ginagabayan ng ating mga magulang sa ating mga desisyon.

Kung inaakala mong nasa wastong edad ka na, ang payo ko ay kilatisin mo ring mabuti ang pagkatao ng iyong boyfriend. Huwag kang padaig sa physical attraction at alamin mo ang kanyang tunay na ugali at pagkatao para hindi ka magsisi sa dakong huli.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with