PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Cool off muna

Dear Dr. Love,

Una sa lahat, hayaan ninyong bumati ako sa inyo, sa inyong mga tagasubaybay pati na sa buong staff ng PSN.

Nakaugalian na po ng buo kong pamilya na magbasa ng inyong sikat na pahayagan na marami nang tinanggap na awards dahil talagang number one.

Kung maaari ay pakitago na lang ako sa pangalang Lulie, 21 years-old. Mayroon po akong kasintahan at tawagin na lang ninyong Bobot.

We are so close dahil kasamahan ko siya sa opisina at araw-araw kaming nagkikita. Kamakailan ay nakalimot kami sa sarili at ipinagkaloob ko sa kanya ang aking pag­kababae. Ginusto ko ito at ginusto rin niya.

Pero nasaktan ako ng malabis nang malaman ko  na may kasintahan siya sa kanilang lalawigan. Okey lang sana kung tapos na sila pero nalaman kong may komunikasyon pa rin sila.  Masakit malaman ang tungkol dito lalu pa’t nagbabanta raw ang babae na magpapakamatay kung hindi sila magkakatuluyan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Gawa nito ay binibigyan ko ng kalayaang pumili ang kasintahan ko sa aming dalawa pero litung-lito raw siya.

Maraming salamat sa mahalagang payo mo.

Lulie

Dear Lulie,

Ang masasabi ko ay bigyan mo ng pagkakataon si Bobot na makapag-isip. Timbangin niya ang situwasyon para makapagdesisyon siya ng wasto.

Buti siguro, habang nag-iisip siya ay cool off muna kayo. Kahit magkasama kayo sa opisina, wala munang kibuan maliban na lang sa mga opisyal na bagay.
Hindi na kita susumbatan sa pagbibigay mo sa iyong sarili sa kanya bagamat hindi ko pinapaboran ‘yun. Pero naririyan na iyan, harapin mo ang konsekuwensyang mangyayari.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: