PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Respetuhin mo ang sarili

Dear Dr. Love,

Ngayon pa lang ay pinasasalamatan na kita sa pagpapaunlak mong mailathala ang aking sulat. Tawagin n’yo na lang po akong Mercy, 20 years old.

Ito po ay tungkol sa lalaking aking hina­hangaan na sa paglipas ng panahon ay napamahal sa akin. Malapit kami sa isa’t isa pero hindi siya nanligaw sa akin.

Kaso po, Dr. Love ay may iba siyang mahal. Sa kabila ng katotohanang may girlfriend na siya, masyado kaming close at pinagkakamalan ng iba na magsiyota kami. Very sweet siya sa akin, kaya ako naman ay masyadong nagtataka.

Sa pag-iisa ko, naiisip ko na kami ay nagtatalik. Ganyan ko siya kamahal. Masyadong malikot ang isip ko. Parang ibig kong magka-baby sa kanya para mahalin niya ako.

Ano ba ang nadarama kong ito? Alam kong mali pero lagi kong naiisip.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Mercy

Dear Mercy,

Mapanganib ang papasukin mong problema kapag ginawa mo iyan, Mercy. Baka kaya siya nagpapakita ng pagkamagiliw sa iyo ay napapansin niyang type mo siya. Sabi mo may siyota na siya kaya kalimutan mo ang kalokohan sa tuktok mo.

Kung ibubuyangyang mo sa kanya ang sarili mo, malamang nga susunggaban ka niya. Lalaki iyan. Bakit, siya lang ba ang lalaki na puwede mong mahalin? Mag-isip-isip ka.

Isa pa, ang consequence ang isipin mo. Pahalagahan mo naman ang iyong pag­kababae para respetuhin ka ng mga lalaki.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: