^

Dr. Love

Possessive at seloso

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hello po. Salamat po sa pagpapaunlak na mailathala ang aking sulat. Please, just call me Letlet, 24 anyos.  May boyfriend po ako na mas bata sa akin ng tatlong taon, 21 years old lang siya. Nagtatrabaho na po ako sa isang bangko pero siya ay graduating pa lang sa kursong chemical engineering.

Halos matatawag na engaged na kami dahil okey sa pamilya niya at pamilya ko ang relasyon namin. Kaso po, masyadong seloso at possessive ang boyfriend ko. Hindi niya ako pinapayagan na sumama sa mga tropa ko sa lakaran. Kahit maayos akong nagpapaalam ay mahigpit ang pagtanggi niya kaya madalas ay nag-aaway kami. Sa abot ng makakaya ko ay pinagpapasensyahan ko siya at inuunawa. Sinisikap kong payuhan siya na magbago ng ugali pero nagagalit siya kapag sinasabi ko ito.

Natuwa ako nang bigla siyang magbago at nawala ang pagiging seloso at possessive.  ‘Yun pala, nagkita sila ng una n’yang kasintahan. Bigla na lamang siyang nawala sa akin nang walang sabi-sabi. ‘Yun pala’y nagkabalikan sila ng ex niya.

Pero minsan,  bumalik s’ya sa akin at humingi ng tawad. Natukso lang daw siya at ako ang mahal niya. Pinatawad ko siya at kami na uli ngayon. Tama po ba ang ginawa ko?

Letlet

 

Dear Letlet,

Posibleng ikaw nga ang mahal ng boyfriend mo. Ngunit dapat pa rin niyang baguhin ang pagi­ging over-possessive.  Kung mahal mo pa siya at mahal ka niya, bigyan mo siya ng isa pang tsansa.

Maganda ang magpatawad dahil ito ang gusto ng Panginoong Diyos.  Pero patuloy mo siyang himukin na baguhin ang kanyang pangit na ugali.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with