^

Dr. Love

Magkaribal ang supling

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Bilang isang ina, wala akong ibang pangarap kundi ang kapwa mapabuti ang aking mga anak. Parehong dalaga na sina Karla at Thalia pero sa lahat ng bagay ay hindi sila magkasundo na magkapatid.

Kundi pa namin kausapin na mag-asawa ang panganay na si Karla ay hindi namin malalaman na nagbabalak na itong umalis ng bahay. Para aniya matutong makitungo nang hindi nagkukunwari ang kanyang nakakabatang kapatid na si Thalia.

Isa pa, mahihirapan din daw siyang makahanap nang magmamahal sa kanya dahil inaagaw daw lagi ni Thalia. Pareho naman silang maganda at matalino pero hindi ko po alam kung bakit magkaribal ang turin nila sa isa’t isa.

Nang makausap naman namin ang bunso, sinabi nitong siya ang aalis. Dahil umiiwas lang daw ang ate niya na maiwan sa bahay at maging tagapag-alaga namin.

Pareho na kaming retirado na mag-asawa pero malakas pa naman. Dahil sa nangyari, nagpasiya ang ama nila na parehong silang umalis ng bahay. Umatras si Karla habang nagmatigas ang bunso na aalis siya.

Kampante naman si Karla na babalik ang kapatid niya. Dahil ayaw nitong siya ang maging sentro ng atensiyon naming mag-asawa. At ganon na ang nangyari. Makaraan ang limang buwang pagsasarili, umuwi si Thalia.

Dr. Love, ayaw ko po na ganito ang mga anak namin. Pero paano namin sila mapagkakasundo? Payuhan po ninyo kami.

Maraming salamat at more power!

Gumagalang,

Mrs. Myra Lopez

Dear Mrs. Myra Lopez,

Magtulungan kayo para mag-matured ang pag-iisip ng bunso. Maganda na maging bukas lagi ang komunikasyon para updated kayo sa bawat isa. At kung magkaroon ng problema ang mga dalaga, siguraduhin ninyo na bahagi kayo ng solusyon.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with