^

Dr. Love

Problema ang utol

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kamusta po kayo? Sana nasa mabuting kalagayan kayo sa pagtanggap ninyo ng email ko.

Gusto ko pong ihingi ng payo ang problema ko sa aking kapatid. Nahihilig po siya sa pagyo-youtube to the point na bukod sa hindi na niya nagagawa ang mga homework niya ay napupuyat pa siya.

OFW po ang aming mga magulang at ako bilang nakakatandang kapatid ang tumitingin sa kanya. Nasa senior high po ako ngayon at may kasambahay kami na siyang mag-aasikaso sa lahat ng mga gawaing bahay.

Madalas ko pong kinakausap si Andrei na huwag niyang pabayaan ang pag-aaral niya. Pero kahit anong gawin ko, makiusap man ako o maggalit-galitan ay parang wala nang epekto sa kanya.

Siyam na taon po ang kapatid ko at hindi naman po mahina ang ulo niya. Ang inaalala ko po ay matuluyan na siyang mawili sa pag-gamit ng internet at mapabayaan na ang pag-aaral niya.

Bilang nakakatandang anak, gusto ko po na malaman ni Andrei na hindi pinupulot ng mga magulang namin ang ipinanggagastos namin. Sa tingin n’yo po ba ay masyado akong nagiging mahigpit sa kapatid ko? Payuhan po ninyo ako kung ano ang tamang gawin?

Beth

Dear Beth,

Napakapalad ng mga magulang mo sa pagkakaroon ng isang anak na gaya mo. Dahil nagmamalasakit ka nang sobra sa iyong nakakabatang kapatid. May pagkakataon na nagwo-worry tayo sa mga bagay na hindi pa naman nangyayari, subukan mong obserbahan muna ang kapatid mo at kung tunay na nagpapabaya siya sa pag-aaral, I suggest na this time ay totohanin mo ang paggagalit-galitan mo at sabihing ipapaputol mo ang connection ninyo kung hindi siya makikinig.

Makakatulong kung bibigyan mo ng time na mabisita ang kapatid mo sa kanyang klase at makibalita sa kanyang mga kaklase at mga guro para malaman mo talaga ang estado nang pag-aaral niya.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with