^

Dr. Love

Gusto nang magka-apo

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po ay isang retiradong titser at ang ta­nging pinoproblema na lang sa buhay ay ang anak kong dalaga, 30 anyos na siya pero hanggang sa ngayon ay wala pang natatagpuang lalaki na makakatuwang niya sa buhay.

Hindi naman pangit ang anak kong si Imelda, masayahin siya, mahusay makisama at higit sa lahat masinop sa buhay. Sa edad niya ay mayroon na siyang impok na sariling pera mula sa kanyang beauty salon.

Kahit na siya ay may empleyo bilang executive secretary, sa isang malaking kompanya, nagsikap pa rin siyang magtayo ng beauty salon na ngayon ay nasa proseso nang pagpapalawak ng operasyon.

Marahil nawili ang anak ko sa paghahanap-buhay kaya nakalimutan na ang kanyang sarili. Marami ang nanliligaw sa kanya noon, na mukhang nanghinawa na at nagsipag-asawa na.

Marami rin siyang kaibigan na nagrereto sa kanya at parang nagsawa na rin nang kakareto. Madalas kong ganyakin ang anak ko na magbakasyon kahit sa abroad para magkaroon nang pagkakataon na makilala niya ang kanyang dream man.

Mataas ang pamantayan ng aking anak sa gusto niyang maka-partner sa buhay. Sa palagay po ba ninyo, Dr. Love ay may magagawa ang tulad ko para matulungan ang aking anak na makatagpo na nang katuwang sa buhay.

May kahinaan na rin ako at bago sana ako mawala ay makita ko kahit isang apo man lang. Payuhan po ninyo ako.

Maraming salamat at sana matulungan ninyo ang aking anak.

Gumagalang,

Mrs. Santa Cruz

Dear Mrs. Santa Cruz,

Naniniwala ako na hindi pa naman huli ang lahat para sa inyong anak. Kung hindi ninyo siya mahikayat na bigyan nang pagkakataon ang kanyang love life, subukan ninyong hingin ang tulong ng mga malalapit sa kanya, maaaring matalik na kaibigan o kababata na posibleng may kakilala na tutugma sa type ni Imelda. Malaking tulong din na lagi ninyong ipagdasal ang love life niya. Alam na­ting walang imposible sa Diyos kung tunay tayong nananalig sa kanya.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with