^

Dr. Love

Ano ba talaga?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hello po at masayang araw sa inyo. Tawagin n’yo na lang po akong Estrel, 18 years-old at nag-aaral ng computer secretarial. Ang problema ko ay tungkol sa aking boyfriend na hindi ko maintindihan ang ugali. Tawagin mo na lang siyang Buboy.

Mahigit isang buwan na kaming magkasintahan ni Buboy pero parang wala kaming relasyon. Si Buboy ang kauna-unahan kong boyfriend. Ipinagtataka ko na  hindi niya ako pinapansin at  ikinahihiyang ipakilala sa kanyang mga kaibigan.

Basta niligawan lang niya ako at nang sagutin ko siya, hindi na niya ako pinansin pa. Kinakantiyawan tuloy ako ng aking mga barkada. Guwapo kasi siya at ako naman ay ‘di kagandahan.

Ano kaya ang ibig niyang sabihin nang ligawan niya ako? Talaga bang mahal niya ako o pinagpustahan lang ng kanyang mga kabarkada?

Nagdududa kasi ako dahil hindi naman ako maganda. Pandak na, maitim pa. Sana matulungan mo ako, Dr. Love.

Estrel

Dear Estrel,

May kapilyuhan ang boyfriend mo. Baka nga ikaw ay pinaglalaruan lang. Puwedeng biktima nang pustahan ng magkakabarkada. Harapin mo siya at prangkahin. Alamin kung magkaanu-ano ba kayo. Ipamukha mo sa kanya ang kabastusan niya at i-break mo siya agad.

Bata ka pa at darating din ang tamang panahon at matatagpuan mo ang lalaking iibig sa iyo at iibigin mo nang tapat. Huwag kang mag-apura. At huwag mo ring mamaliitin ang iyong sarili. Hindi komo pandak ka at maitim ay pangit ka na. I’m sure, mayroon kang talento at katangiang dapat hangaan sa iyong pagkatao.

As of now, linangin mo ang iyong talento. Mag-aral kang mabuti dahil ang karunungan ay sandigan ng magandang kinabukasan.
Kalimutan mo na ang bastos na lalaking inibig mo pero pinaglalaruan ka lang pala.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with