^

Dr. Love

May crush sa Prof

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Excited na ako sa palapit na nang palapit na pasukan. Gusto ko na kasi makita uli ang matagal ko nang crush na professor.

Una ko siyang naging teacher noong 1st year pa lamang ako sa isang semi-private university. Hindi ko favorite ang psychology na isa sa mga minor subjects ko. Pero dahil sa kanya ay naging pursigido ako mag-aral nang mabuti.

Hindi naman po siya kagwapuhan, pero ang lakas ng dating niya sa akin. Nagagalingan po ako sa kanyang pagtuturo at mga nagi­ging personal sharing niya sa buhay. Malawak at napaka-positibo po niya sa kanyang mga prinsipyo.

At ang lalong nakakapagpasaya sa akin tungkol sa kanya ay binata pa siya.

Last year ko na sa university, kaya susulitin ko na ang chance ko na makita siyang at sana maging prof ko uli siya.

Dr. Love, gusto ko po ihingi ng payo kung posible bang magkatuluyan ang isang prof at estudyante niya? Naiisip ko lang po, if ever. Pero walang nangyayaring ligawan sa amin ng crush kong prof, humahanga lang po talaga ako sa kanya.

Thank you po in advance sa payo ninyo. More power sa column n’yo.

Cristy

Dear Cristy,

Ang alam ko ay ipinagbabawal ang pagkakaroon ng relasyon sa pagitan ng professor at kanyang estudyante. Maaari itong maging ground para masipa sa pagtuturo ang isang guro.

Pero sa pag-ibig ay walang imposible, lalo na kung tunay na nagmamahal ang dalawang tao. Halimbawa, kung mahal ng prof ang kanyang estudyante, hindi siya gagawa ng hakbang na ikasisira ng kinabukasan nito. At sigurado, maiisip niya rin ang kapakanan niya bilang guro na maaaring matanggal sa serbisyo.

Naniniwala ako na laging may tamang pagkakataon sa lahat ng bagay. At kung nakahanda ang dalawang taong nagmamahalan na hintayin ito, hindi imposible na magkatuluyan sila.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with