^

Dr. Love

Nangulila sa ama

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Matagal naming hinintay na magkaanak ni Mercy. Pero ngayong nakumpirma na ng doktor ang kanyang pagdadalan-tao, nangangamba naman ako kung magagampanan ko ang pagiging mabuting ama.

Lumaki po ako na malayo ang kalooban sa aking ama. Dahil mas maraming taon na wala siya sa aming piling na magkapatid at nasa ibang lugar. Isang seaman ang tatay namin.

Maraming taon na pinanabikan ko ang tatay ko, dahil gusto ko sana na gaya ng mga kaklase ko ay makasama rin si tatay at makapanood siya kapag may basketball game ako.

Gusto ko rin sana magtanong sa kanya nung panahong nanliligaw na ako. Pero dahil wala siya kay nanay ko na lang ikinukwento o kaya’y kay uncle, kaya mas malapit ako sa uncle ko kaysa sa tatay ko.

At ngayon na magiging ama na rin ako, na­ngangamba ako na baka gaya ni tatay ay hindi ko rin magampanan ang maging mabuting ama.

Retire na po siya ngayon sa pagsi-seaman at gustuhin ko man siyang lapitan para magtanong kung ano ang dapat kong gawin ngayong magi­ging tatay na rin ako, hindi ko magawa. Ni-hindi ko nga po alam kung gaya namin ng kapatid ko ay nangulila rin ba siya sa amin.

Payuhan po ninyo ako. Maraming salamat po sa pagbibigay pansin ninyo sa aking liham. More power po sa inyo.

Gumagalang,

Anselmo

 

Dear Anselmo,

Marami na gaya mong anak din ng isang OFW ang dumaranas nang pagkakaroon ng pagitan sa relasyon nila sa magulang na matagal na nawalay. Pero retired na kamo ang tatay mo ngayon, kaya hindi ka dapat mag-aksaya ng panahon na makapag-bonding sa kanya.

Ang paglayo naman niya ay para matugunan ang mga pangangailangan ng inyong pamilya at hindi sa kung ano pa man. Kaya para malaman mo ang saloobin ng iyong ama at makabawi na rin sa maraming taon na lumipas, huwag kang ma­g­a­linlangan na lapitan siya  at kausapin. Hangga’t may chance ka pa, gawin  mo.

DR. LOVE     

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with