PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Saan ako nagkulang?

Dear Dr. Love,

Sa pagpapaalala ng facebook, bumalaga sa akin ang wedding picture namin ni Alexis. Nasa harapan kami ng simbahan at hinahawi niya noon ang aking belo para sa aming first kiss bilang Mr. at Mrs. Laxamana.

Isinulat ko pa sa gawing ibaba ang picture ang kaligayahan ko at pagiging mapalad na babae dahil mapagmahal at responsable ang napangasawa ko.

Pero sa limang taon pagsasama namin, Dr. Love…lipas na alala na lang ang araw na ‘yun. Dahil mula nang maipanganak ko ang aming panganay, nagbago na ang asawa ko.

Lumabas na hindi siya tunay na responsable at nawala na rin ang pagmamahal niya sa sariling­ pamilya.

Balik barkada siya, beer house at ang ba­yarin ay ipinapasan nang lahat sa akin. Ni-kar­gahin lang ang aming anak ay hindi na niya ma­gawa dahil sa halos araw-araw na umagang pag-uwi, kaya nagkukumahog siya sa pagpasok sa office pagkagising.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ang tuluyang nagpatid sa natitira kong pasensiya sa kanya ay nang malaman at makita mismo ng mga mata kong may kinahuhumali­ngan siyang bar girl. Batang bata at sariwa.

Pagpayuhan po ninyo ako kung ano pa ang option ko bukod sa gusto ko nang makipag­hiwalay sa asawa ko.

Gumagalang,

Thelma

Dear Thelma,

Terible talaga ang sakit kapag niloko ka ng taong mahal mo. Pero gaya nga ng kasabi­han, hindi katulad ng mainit na kanin ang pag-aasawa na kapag napaso ka ay iluluwa mo na. Think of more possible ways to workout your marriage.

Kung hindi siya makipag-cooperate, hingin mo ang suporta ng inyong mga magulang o mapagkakatiwalaang kamag-anak. Mag-usap kayo nang mabuti at bigyan nang pagkakataon ang bawat isa to reconcile for the sake of your child.

Ilapit mo rin sa Diyos ang sitwasyon ninyong mag-asawa, dahil wala siyang hindi magagawa sa lahat nang nagtitiwala sa kanya.

DR. LOVE

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: