^

True Confessions

Damo sa Pilapil (10)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“MAM Dulce kukunin ko lang po ang aking damit sa bahay. Nakahanda na po iyon kagabi pa,” sabi ni Zacharias.

Napangiti si Mam Dulce.

“Talagang desidido ka na makapagtrabaho at makapag-aral, Zac.’’

“Opo Mam, nakahanda po talaga ako.’’

Napatangu-tango muli si Mam Dulce na halatang humahanga kay Zac.

“Kukunin ko lang po ang bag ko Mam.’’

“Sige, dito uli tayo magkita mamaya. Pupunta lang ako sa opisina ng realty sa bayan at aalamin ko ang mga nangyayari roon. Mayroon kaming branch sa bayan.’’

“Baka puwede na po akong sa bayan magtrabaho bilang messenger?’’

“No. Wala ka ring kinabukasan kapag diyan sa branch sa bayan. Isa pa, wala namang gaanong trabaho doon kaya hindi kailangan ang messenger. Mas maganda kung sa main office sa Maynila ka mae-employ at malapit na rin dun ang university.’’

Tuwang-tuwa si Zac sa sinabi ni Mam Dulce. Pero mayroon pang problema na kanina pa niya gustong sabihin kay Mam Dulce.

“Mam, ang problema ko ay ang tirahan. Wala akong titirahan kung sakali.’’

“Saka mo na lang problemahin ‘yun. Madali na yun. Ang mahalaga ay makapasok ka muna bilang messenger.’’

“Salamat po.’’

“Sige kunin mo ang mga damit mo at magkita uli tayo rito makalipas ang isang oras, okey?’’

“Opo Mam.’’

Nagmamadaling umuwi si Zac.

Nang sabihin niya sa  kanyang tatay at inay ang balita, hindi makapaniwala ang mag-asawa. Masya- dong mabilis ang pangyayari.

“Saan ka raw titira?” tanong ng kanyang tatay.

“Huwag ko raw munang problemahin yun. Ang mahalaga raw ay makapasok muna ako bilang messenger.’’

“Sige. Mag-iingat ka.’’

“Opo, Tatay.’’

Nagmano siya rito at sa kanyang inay.

“Kailan ka babalik?’’ tanong ng kanyang inay.

Nagtawa si Zac.

“Inay, hindi pa ako nakakaalis e pagbalik na agad ang tinatanong mo.’’

“Kasi’y ngayon ka lang mahihiwalay sa amin.’’

“Madali na po ang pag-uwi basta nakapagtrabaho ako.’’

“Sige mag-ingat ka.’’

Umalis na si Zac at nagtungo sa tagpuan nila ni Mam Dulce.

Eksaktong isang oras ay dumating si Mam Dulce.

“Tayo na, Zac.”

Makalipas ang dalawang oras na biyahe ay nasa Maynila na sila.

Humantong sila sa  isang apartment na sa hula ni Zac ay sa Sampaloc.

“Halika na Zac. Ibaba mo na ang gamit mo.’’

(Itutuloy)

 

vuukle comment

DAMO SA PILAPIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with