^

PM Sports

Namumuro na si Morales

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Maaaring si Jan Paul Morales ng Navy-Standard Insurance ang tanghalin bilang kauna-unahang back-to-back champion ng LBC Ronda Pilipinas.

Kasalukuyang hawak ng 31-anyos na si Morales ang pulang jersey sa kanyang ipinosteng 37:25:56 sa overall individual classification ng 14-stage race na inihahandog ng presentor na LBC katuwang ang MVP Sports Foundation, Petron, Mitsubishi, Versa.ph, Victory Liner, Maynilad at Standard Insurance.

Kasunod ni Morales ang kapwa Navyman na si Rudy Roque (37:28:11), Cris Joven (37:37:03) ng Kinetix Lab-Army, Bryant Sepnio (37:41:33) ng Go for Gold, Leonel Dimaano (37:46:05) ng RC Cola-NCR, Ryan Serapio (37:47:16) ng Team Ilocos Sur, Da-niel Ven Carino (37:48:28), Lloyd Lucien Reynante (37:48:43) at Ronald Lomotos (37:48:45) ng Navy at Reynaldo Navarro (37:49:49) ng Army.

Sa kabila nito, sinabi ni Morales na hindi pa siya nakakatiyak na makukuha ang inaasam na korona sa ikalawang sunod na pagkakataon.

Ang tinututukan ng tubong Calumpang, Marikina ay ang huling tatlong stages ng 2017 LBC Ronda Pilipinas 2017 na tinatampukan ng Stage 12 Individual Time Trial sa Guimaras sa bukas.

“Kung mananatili sa akin ang lead matapos ang ITT sa Guimaras, siguro ako na ang kukuha (ng championship),” wika ni Morales, kaagad na nagtungo sa Iloilo City kasama ang iba pang Navymen matapos ang Calamba-Antipolo Stage 11 noong Pebrero 21.

Matapos ang Stage 12 sa Guimaras ay susundan ito ng 209-km Iloilo-Antique-Iloilo Stage 13 at 50-km Stage 14 criterium na parehong pakakawalan sa Iloilo City.

Sinabi ng 25-anyos na si Roque, humawak sa Red Jersey simula sa Stage One hanggang Stage Seven bago ito naagaw ni Morales sa Stage Eight na magi-ging krusyal ang Stage 12.

“Hindi pa natin alam kung ano ang mangyayari sa last three stages, pero crucial ‘yung Stage 12,” sabi ng tubong Tibo, Bataan sa kanyang two-minute deficit kay Morales.

Ang magkakampeon sa individual classification ay tatanggap ng P1 milyon, habang P50,000 ang makukuha ng magwawagi sa overall team classification.

Matapos ang stage 11 ay patuloy ang pagtrangko ng Navy sa overall team classification sa kanilang 151:00:31) kasunod ang Go for Gold (151:52:48) at Army (151:58:46). )

vuukle comment

JAN PAUL MORALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with