^

Dr. Love

Nagka-edad na sa kakatutol ng ama

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Myrna, 26 anyos at dalaga pa. Umabot ako sa edad na ito na walang asawa dahil laging tutol si tatay sa mga nagiging boyfriend ko.

Wala namang problema sa nanay ko dahil mas mahalaga raw para sa kanya ang aking kaligayahan. Pero si tatay, hindi na naubusan ng pintas sa mga nakakarelas­yon ko.

Ngayon ay may bago akong boyfriend na talagang mahal ko. Sa labas lang kami nagkikita dahil ayaw kong ipakilala siya sa aking tatay at baka kung anu-ano na naman ang sabihin.

May nangyari na sa amin ng boyfriend ko at isang buwan na akong buntis. Naisip ko kasi na baka kung magdadalantao ako ay hindi na tututol si tatay. Ngayo’y balak na naming magpakasal ng boyfriend ko.

Pero ang problema ko ay kung paano ko ito sasabihin kay tatay. Tulungan mo ako, Dr. Love.

Myrna

Dear Myrna,

Ang ginawa mong pagpapabuntis ay hindi solusyon kundi dagdag problema pa. Lalo mong ipinamukha sa iyong tatay na tama siya na tutulan ang lahat ng mga nakarelasyon mo.

Pero andyan na ‘yan, tutal naman ay nasa hustong gulang ka na at naniniwala akong may idea ka na sa mga consequences na dapat ninyong harapin ng boyfriend mo. Kasama na riyan ang galit o kaya’y hinanakit ng iyong tatay.

Natural lang naman ‘yan. At sana sa kabila ng lahat ay panatilihin ninyo ang respeto sa iyong magulang at sikapin na mapalambot ang puso niya hanggang sa matanggap niya na ang naging desisyon ninyo.

Naniniwala ako na malaki ang maitutulong sa sandaling mailuwal mo na ang kanyang magiging apo.

Dr. Love

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with