^

Dr. Love

Tinuhog ang manugang at apo

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Balisa po ang kalooban ko ngayon, dahil sa mga impormasyong nakarating sa akin na ang manugang ko at apo ay kapwa tinuhog ng kinasama ng nabiyuda kong manugang.

Maagang sumakabilang buhay ang aking anak na si Rodrigo at naulila niya ang manugang kong si Anita at ang kanilang 18-anyos nang anak na si Mila.

Kapwa barung-barong lang ang tirahan namin ng aking manugang at talagang salat sa maraming bagay. Pero magkaganon man ay minabuti kong alukin sila ng aking apo na sa amin na lang tumira.

Hindi ito sinang-ayunan ng manugan ko. Dahil ayaw niya raw na makabigat pa silang mag-ina sa amin. Bumalik siya sa dating pinagtatrabahuhang karinderya.

Pero nang hindi na sumapat ang kita ay lumipat siya sa isang restaurant na sa  kung gabi ay beerhouse. Dito niya nakilala ang matandang ahente na kalaunan ay naging ka-live in.

Wala po sana akong pangamba, kundi sa balitang nakarating sa akin na buntis na ang aking apo. Para makumpirma ay nagsadya ako sa inuupahang kuwarto nila Anita.

Totoo nga po at malaki na ang tiyan ni Mila. Nang tanungin ko siya, sinabi niyang ang boyfriend niya ang ama pero tinakasan siya. Iba naman ang sabi ni Anita, boyfriend ni Mila ang ama pero nag-abroad ito para mas mapaghandaan ang kinabukasan ng ipinagbubuntis ni Mila.

Hindi po ako kumbinsido, kaya nagtanung-tanong ako sa mga kapitbahay nila. At ikinagulat ko ang nalaman ko. Sa ilang buwan umano na nakalipas, wala silang nakikitang ibang lalaki sa bahay kundi ang matandang ka-live-in ng manugang ko. At maraming pagkakataon na nakikita umano nilang masyadong sweet sila ng aking apo.

Hindi na po ako matahimik mula noon. Kaya nagpasya akong balikan ang aking apo. Pero nakalipat na sila at walang makapagsabi kung saan.

Nangangamba akong may itinatago ang mag-ina sa akin. Malakas po ang kutob ko na parehong tinuhog ang manugang at apo ko. May karapatan ba akong ihabla ang manugang ko sa kapabayaan niya sa aking apo?

Nagtatanong lang naman ho ako. Maraming salamat.

Gumagalang,

Aling Marina

Dear Aling Marina,

Masyadong hilaw ang impormasyon mo para haya­an mong mabalisa ka nang ganyan. Isa pa, kung sakaling makumpirma mo ang iyong hinala, hindi na menor-de-edad ang iyong apo. Kaya may karapatan na siyang magdesisyon para sa kanyang sarili.

Hindi ako pamilyar sa legalisasyon ng plano mong paghahabla sa iyong manugang, kaya ang maipapayo ko sa abogado ka magtanong.

DR. LOVE

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with