^

Dr. Love

Ayaw payagang mag-boyfriend

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin n’yo na lang akong Lisa, 16 years old at kasalukuyang madly in love sa isang tulad ko ring kabataan na nakilala ko sa social media.

Kapwa kami magtatapos na sa senior high school ngayong school year.

Bagaman sa internet lang kami nagkakilala at nagkaibigan, ang feeling ko, kilalang-kilala ko na siya at hindi kami naglilihiman sa isa’t isa.

Pareho kaming nabigo sa kani-kanya naming first love, pareho kaming isa na lang ang magulang na siyang nagtataguyod sa aming pag-aaral. Kung ako ay walang kinagisnang ama dahil sumama sa ibang babae, namatay naman ang ina ni Jeffrey nang ipanganak ang pangalawang kapatid niya.

Masayang kausap si Jeffrey. Palibhasa’y laking Maynila at maraming alam sa kalakaran ng buhay.

Ang problema ko po, DR. Love simula nang iwanan kami ng tatay ko, naging man hater si nanay lalo na sa mga pogi na kagaya ng tatay ko. Ayaw niya akong makipag-boyfriend, kaya patago ang naging pakikipagrelasyon ko kahit sa una kong boyfriend.

Sa lokal na pamantasan sa aming lalawigan din ako ipinasok ni nanay para raw mabatanyan niya ako. Dr. Love ang isa ko pang problema ay gusto ni Jeffrey na magkita kami nang personal sa Maynila o kung hindi man ay sa Tagaytay na malapit lang sa lalawigan namin.

Kahit na nae-excite ako, kinakabahan po ako. Paano kung hindi siya gaya nang pakilala niya sa akin? Dapat ko bang ipaalam kay nanay ang pakikipagkita ko kay Jeffrey? Mahal na mahal ko po ang boyfriend ko at siya man ay ganoon din sa akin.

Hihintayin ko po ang payo n’yo. Maraming salamat at mabuhay po kayo!

Gumagalang,

Lisa

Dear Lisa,

Hindi malabong magkatotoo ang pangamba mo. Napakadaling magpanggap sa social media para lang maka-attract o mapaniwala ang sinuman. At tsaka, paano mo nasabing kilalang-kilala mo na ang cyber boyfriend mo gayong hindi pa kayo nagkikita nang personal, tapos mahal na mahal mo pa kamo? Mabuti pang manatili muna kayong magkaibigan at kilalanin nang husto ang bawat isa. Kung tunay ang hangarin ni Jeffrey sa’yo, sasadyain ka niya sa bahay  ninyo kahit ano pa ang maging pagsalubong sa kanya ng nanay mo. Kaya sa ngayon, ang maipapayo ko, kalimutan mo muna ang pakikipag-eyeball.

At sana gamitin mo muna ang isip mo para hindi ka mapahamak.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with