^

Dr. Love

Ikinahihiya ang kapansanan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Malugod akong bumabati sa iyo at sa mga readers. Tawagin mo na lang akong Bruno, 58-anyos at biyudo na.

Sa edad kong ito ay may problema na ako sa pagkalalaki. Alam mo na siguro ang ibig kong sabihin. Sa wikang Ingles, ako ay impotent na. Bagama’t sa isip ko ay gusto kong makipagtalik, ayaw nang gumana ang aking kasangkapan.

Ganito na ang kalagayan ko kahit nung buhay pa ang misis ko, three years ago. Bunga na rin marahil ito sa sobrang hilig ko sa babae nung araw.

Ibig ko sanang mag-asawang muli pero baka maging unfair ako sa magiging partner ko kung hindi ko na  maibibigay ang tungkulin ng asawang lalaki.

May sakit din ako sa puso kaya ipinagbawal sa akin ng duktor ang paggamit ng mga drugs tulad ng Viagra at Cialis.

Ano ang gagawin ko?

Bruno

Dear Bruno,

Usually, ang mga nag-aasawa na nasa edad mo ay companionship na lang ang hanap at hindi na sex. Malapit-lapit ka nang mag-senior citizen pero sa kabila ng kapansanan mo, ang isip mo’y naghahanap pa rin ng pakikipagtalik. Mahirap iyan. Para kang sumasabak sa digmaan nang walang sandata.

Marahil, kung hahanap ka ng kapareha ay yaong hindi na naghahanap ng sex kundi companionship din. Baka naman kukuha ka pa ng bata at palahanap, patay kang bata ka!

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with