^

Dr. Love

Konsensya

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hello po, Dr. Love. Mangyaring pakitago mo na lang ako sa alias na Aleli, 20-anyos at bagong kasal.

Buong akala ng mister ko, siya ang nauna sa akin. Pero may lihim akong itinatago na kahit noong boyfriend ko pa lang siya ay hindi ko naipagtapat.

Noong 17-anyos ako ay nagkaroon ako ng boyfriend na 15-anyos. Pareho kaming virgin noon at nag-try kaming mag-sex kahit pareho kaming walang alam.

Dahil siguro sa inosente pa kami at walang nalalaman sa ganoon, walang penetration na nangyari at hindi naman nasira ang virginity ko.

Kumbinsido ang mister ko na virgin pa ako dahil nagdugo ako sa unang gabi.

Pero sinusumbatan ako ng aking konsensya. Bagama’t walang penetration na nangyari sa una kong boyfriend ay para na rin kaming nagtalik dahil pareho kaming nag-enjoy noon.

Dapat ko pa bang ipagtapat ito sa asawa ko?

Aleli

Dear Aleli,

Kung ang pagtatapat mo ng isang lihim ay makakawasak sa inyong relasyon, huwag mo na lang itong sabihin at ituring mo na lang na isang saradong karanasan sa buhay mo.

Tutal, tulad ng sinabi mo, walang penetration at hindi nasira ang iyong pagkababae.  Medically speaking, virgin ka pa talaga kung ang pagbabatayan ay ang medical  definition ng virginity.

Pero kung may sumbat sa iyong konsensya na bumabagabag sa iyo, siguro ay pakiramdaman mo ang iyong asawa kung siya’y isang lalaking kayang tanggapin ang ganyang situwasyon. Magkuwento ka ng mga situwasyong katulad ng sa iyo. Kunwari’y may nabasa kang istoryang katulad ng sa iyo at hingan mo siya ng opinyon kung ano ang masasabi niya.

Para sa akin, kahit  nagkamali ang isang babae at pinagsisihan na ang pagkakamaling yaon, hindi na dapat isumbat ito ng lalaking karelasyon niya. Iyan ay kung mahal siya ng lalaki. Ang nakalipas ay  nakalipas na.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with