^

Dr. Love

Paano magkakasundo?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mahigit na isang taon pa lang kaming kasal ni Leo, bamagan maayos ang pagsasama namin, hindi naman magkasundo ang aming mga ina.

Nagsimula ito nang may masabi ang in-law ko sa mommy ko, na muntik nang maging dahilan para hindi siya dumalo sa aming kasal. Mabuti na lang at hindi natuloy.

May pagka-imposing kasi ang in-law ko at gusto na siya ang masunod sa wedding preparation namin noon. Hindi naman siya nagtagumpay dahil si Leo mismo ang nagpaliwanag ng sitwasyon.  

Nagsabi po ang in-law ko na gusto niyang magkaroon ng lingguhang family bonding at sa kanilang bahay gaganapin. Ayaw ng mommy ko sumama rito. Ang naging solusyon naming mag-asawa ay gawin din ang family bonding sa aming bahay.

Nakatira po kami ni Leo sa bahay ng aking mga magulang. Nag-iisang anak po ako at dahil sumakabilang-buhay na ang daddy ko, hindi ko maiiwang mag-isa ang mommy ko. Ako ang kaisa-isang tagapagmana nang ipinundar nilang bahay ni daddy.

Ang problema naman ay hindi sumasama ang mga magulang ni Leo kapag sa aming bahay ginaganap ang family-bonding. Gusto po naming mag-asawa na gawan ng paraan ang iringan ng aming mga ina habang maliit pa. Pero hindi po namin alam kung paano sila mapagbabati. Payuhan po ninyo kami.

Maraming salamat, aabangan ko po ang inyong payo.

Gumagalang,

Noime

Dear Noime,

Pareho ninyong suyuin ang magkabilang panig. Marahil makakatulong kung magpapadala kayo ng peace offering at sasabihin galing ito sa isa’t isa. Sa ganitong paraan ay lalambot ang puso nila at saka kayo makiusap na magkasundo na sila para sa lalong ikaliligaya ng inyong pamilya, dahil pareho silang mahalagang bahagi rito.

DR. LOVE        

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with