^

Dr. Love

Galit din dapat sa kagalit?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hanggang ngayon ay hinahanapan ko pa rin ng sagot kung may katuwiran ba ang naging trato sa akin ng kababata ko,  kumare ko pa man din nang mag-reunion kami kamakailan lang.

Mula kindergarten hanggang high school ay magkakaklase kami nina Mayla at Gene. Childhood sweetheart nila, na bigla na lang naghiwalay. At ang balita ko dahil sa selos, dahil may ibang karelasyon daw si Mayla. Pero Dr. Love, kamukhang-kamukha ni Gene ang inaanak kong si Grace.

Nang parehong magkaroon na sila ng kani-kaniyang pamilya, inakala ko na lipas na ang issue. Kaya excited akong umuwi sa aming probinsiya para dumalo ng aming high school reunion.

Si Gene ang unang bumati sa akin, ipinakilala ko sa kanya ang mister ko na kasama ko noon. Nakita ito ni Mayla at hindi na ako kinibo. Hindi rin naging maganda ang trato niya sa akin.

Hindi ko akalain na may makitid akong kaibigan, Dr. Love. Gusto niya, galit ko rin ang kagalit niya. Ano po ang maipapayo ninyo sa akin?

Celeste

Dear Celeste,

Kung sino raw ang nakakaunawa ay umunawa. Sa palagay ko, ikaw ang makakapag-adjust sa sitwasyon. Obviously, hindi handang magharap ang mga kababata mo. Hayaan mo na lang muna sila. Dahil sa takdang panahon, kapag pareho na silang handa, naniniwala akong maaayos din ang lahat.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with