^

Dr. Love

Panibugho

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Itago mo na lang ako sa pangalang Tony 23-anyos. Ako ay may kasintahang pinakamamahal ko. Pangatlo siya sa aking mga na­ging girlfriends pero ang ligayang nadarama ko sa kanya ay hindi ko nadama sa iba.

Dahil mahal na mahal ko siya, masyado akong nagiging possessive. Napakaseloso ko at ni ayaw kong makita siya na nakikipag-usap sa  ibang lalaki.

Ilang beses na akong nakipag-break sa kanya dahil lang sa selos at  siya ang nagpapakumbabang humingi ng tawad at lumuluha kahit wala siyang kasalanan.

Alam ko na ako ang wala sa katuwiran pero talagang ganyan katindi ang pagkaseloso ko.

Hanggang makita ko siya sa isang mall na may naka-akbay na lalaki. Hindi ko alam na ka­patid pala niya ‘yun na  dumating mula sa Amerika.

Nang magkasarilinan kami ay hindi ako naka­­pagtimpi at sinampal ko siya. Noon ko siya nakitang nagalit at nalaman ko na ang lalaki ay kapatid niya. 

Agad siyang nakipag-break sa akin at sa kahihiyan ko, hindi ko na makuhang humingi ng tawad at makipagbati sa kanya. May katuwiran naman kasi siya.

May paraan pa ba para magkabati kami?

Tony

Dear Tony,

Tama ka, wala ka sa katuwiran kaya nangyari iyan para matuto ka. Kung magkakabati pa kayo ay hindi ko matiyak. Pero kung hindi ka kikilos at hihingi ng tawad, malabong siya ang lumapit sa iyo upang siya ang makipagkasundo.

Kasalanan mo, kaya ikaw ang buong pagpapakumbabang lumapit para humingi ng tawad.

Sana ay nagsilbing leksyon sa iyo ang pangyayaring iyan. Okey ang magselos kung nasa lugar. Pero kung hindi resonable ang panibugho,  nagiging gulo ito sa buhay.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with