^

Dr. Love

Tukso

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Masayang pagbati sa iyo. First time kong sumulat and I hope na papaunlakan mong mailathala ang aking kasaysayan.

Tawagin mo na lang akong Kaycee, 25-anyos at nagtatrabaho bilang call center agent.

May asawa ako pero wala kaming anak. Ang asawa ko ay nasa Dubai at nagtatrabaho bilang waiter.

Madalang siyang makipag-ugnay sa akin at paminsan-minsan lang kami nakakapag-chat sa skype. Pakiramdam ko tuloy ay wala akong asawa. Two years na siya roon at parang dalaga ang buhay ko.

Ayaw ko sanang masira ang pagsasama namin dahil pinapahalagahan ko ang pagpapamilya. Pero sinusubukan ako ng sirkumstansya.

May nakilala akong lalaki sa party ng best friend ko at very persistent siyang manligaw sa akin kahit may asawa ako.

Hindi ako ipokrito, Dr. Love. Aaminin kong may nararamdaman na akong attraction sa kanya. Pero buntot siya nang buntot sa akin. Ano ang gagawin ko para hindi ako mahulog sa tukso?

Kaycee

Dear Kaycee,

Nasa sariling diskarte mo na iyan. Kung talagang mas matimbang sa iyo ang pagpapanatili ng relasyon mo sa asawa, magagawan mo ng paraan iyan.  Prangkahin mo ang lalaki kahit may feelings ka rin sa kanya. Magkunwari kang galit.

Makabubuti kung sasabihin mo sa asawa mo ang problemang iyan para mabahala siya at dalas-dalasan ang pakikipag-communicate sa iyo. ‘Yung nararamdaman mo ay physical attraction lang.

Dapat siguro ay magbakasyon muna sa Pilipinas ang asawa mo para uminit muli ang pagmamahalan ninyo.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with